Abot Kayang Pabahay, Meron Pa Kaya sa ating Bayan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,298 total reads

Kapanalig, ang pabahay ay isa sa mga importanteng goals ng ating mga mga kababayan. Marami sa atin, halos magkanda kuba na sa kakatrabaho para lamang makaipon para magpundar ng sariling bahay. Marami sa atin, nag-abroad at iniwan ang pamilya para dito. Marami rin sa atin, pagod na, pero hanggang ngayon, wala pa ring  sariling bahay.

Ayon nga sa isang pag-aaral, hindi pa rin malutas hanggang ngayon ang housing deficit sa ating bayan. Mula 2017 hanggang 2022, tinatayang nasa 6.5 million ang housing deficit sa ating bansa, at ang kadalasang naapektuhan nito ay ang maralita dahil hindi abot kaya ang presyo ng housing o pabahay sa ating bansa, lalo na sa mga highly urbanized cities. Kailangan talaga masuri natin ang affordability ng ating mga pabahay upang maging realidad ang pangarap na tahanan ng marami nating mga kababayan.

 Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS, ang affordability ng pabahay ay may tatlong aspeto: attainability o abot kaya; decency; at sustainability. Kapag sinabing attainable kapanalig, ito ay hindi lamang ukol sa housing cost, kundi ukol sa ugnayan o ratio ng housing cost at income. Halimbawa, karaniwang sinasabi na kung 30% ng ating income ay napupunta sa pabahay, attainable o abot kaya pa ito. Kaya lamang kapanalig, ang income ng mga tao ay iba iba, at sa maralita sa Pilipinas kung saan mga P12,000 kada buwan lamang ang kita para sa limang miyembro ng pamilya, pag kinaltas mo pa ang 30%, mga P8,400 na lamang ang matitira para sa pamasahe, pagkain, basic utilities, at toiletries ng tatlong anak at dalawang magulang para sa isang buwan. Pag mahal ang pabahay, mas lalong mahirap makamit, pero kahit mura ang pabahay, kung maliit ang kita, hindi pa rin ito makakamit.

Kapanalig, kailangan suriin ng ating pamahalaan ang affordability ng housing sa ating bayan kung tunay na nais nitong matulungan ang maralita. Mismatched, kapanalig, ang presyo ng kahit ng pinakamurang pabahay sa ating mga syudad. Kung ipagpipilitan naman natin na pwede naman sila sa mga housing programs sa mga karatig probinsya ng mga syudad, mas wala lalong matitira sa kanilang kita dahil kakainin pa ito ng pamasahe tungo sa trabaho nila. Kailangan maglatag ng mga housing programs ang bayan na tunay na pang-maralita.

Malaking pagbabago sa polisiya ng pabahay ang kaugnay ng pagsusuri sa affordability ng pabahay sa bansa. Sana’y maprayoridad ito ng pamahalaan upang mabawasan naman ang housing deficit ng bayan. Sabi nga ni Pope Francis: There is no justification whatsoever for homelessness. Ang kawalan ng pabahay ay hindi makatarungan. Ang pagkakaroon ng pabahay ay karapatang nating lahat, at marapat na tugunan ito ng pamahalaan, na siyang inatasan na mangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 50,872 total reads

 50,872 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 133,900 total reads

 133,900 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 228,232 total reads

 228,232 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 289,917 total reads

 289,917 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 333,344 total reads

 333,344 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 50,874 total reads

 50,874 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 133,902 total reads

 133,902 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 228,234 total reads

 228,234 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 289,919 total reads

 289,919 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top