9,755 total views

33rd Sunday in Ordinary Time Cycle A

World Day of the Poor

Prov 31:10-13. 19-20.30-31 1 Thes 5:1-5 Mt 25:14-30

Ngayong natapos na nating ipagdiwang ang ika-400 taon ng pagdating ng pananampalatayang Kristiano sa atin sa Palawan, ang hamon sa atin ay paano natin ipagpapatuloy ang paglago at paglalim ng pananampalatayan ito na binigay sa ating bilang binyagan. Mapapalaganap natin ito sa ating pagiging mabuting katiwala. So we promote being Good Stewards as a way of being disciples of Jesus Christ.

Tayong lahat ay katiwala ng Diyos. Kinikilala natin na ang lahat ng kabutihan ay galing sa Diyos. Ibinigay niya ito sa atin upang ating pangalagaan at palaguin. Kaya katiwala tayo ng buhay, ng pananampalataya, ng kalikasan, ng ating mga talento at ng ating yaman. Ang lahat ng ito ay galing sa Diyos. Bilang katiwala may responsibilidad tayong pangalagaan nang mabuti ang ipinagkatiwala sa atin. Sinisikap natin na ito ay hindi mawala, masira at masayang. Pero hindi lang ito ang ating tungkulin bilang mabubuting katiwala. Sinisikap din natin na ang mga biyaya ay ating gamitin at palaguin.

Sa ating unang pagbasa na galing sa Aklat ng Kawikaan binibigay sa atin ang halimbawa ng isang masipag at maaasahang maybahay. Siya ay mabuting katiwala. Ginagamit niya ang lahat ng pagkakataon at panahon upang pangalagaan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Masipag siya sa mga gawaing bahay. Ginagamit din niya ang kanyang kaalaman na mag-invest ng kanilang ari-arian upang ito ay lumago. Ang nakikinabang sa kanyang kasipagan ay hindi lang ang kanyang pamilya. Nakikinabang din ang mga mahihirap kasi nakakabahagi din niya sa kanila. Kaya ang kahalagahan ng babae ay hindi lang sa kanyang panlabas na ganda kundi sa kanyang pagiging masipag, mapagmalasakit, at pagkakaroon ng maayos na pag-uugali. Mabuting katiwala ang babaeng nilalarawan sa ating unang pagbasa.

Ang mabuting katiwala ay masipag at mapamaraan upang ang ipinagkatiwala sa kanya ay lumago. Pinapakita ito sa talinhaga ni Jesus tungkol sa tatlong pinagkatiwalaan ng isang tao ng kanyang kayamanan sa ating Ebanghelyo. Hindi parepareho ang ibinigay sa kanilang pera. Ang isa ay binigyan ng limang libo, ang pangalawa ng dalawa at ang huli ng isang libong piso. Isinaalang-alang ng may-ari ang kakayahan ng bawat isa. Noon pagbalik niya, dumating na ang pagsusulit. Natuwa siya sa dalawang nagbigay ng kita sa ibinigay sa kanila – ang nakatanggap ng limang libo ay tumubo ng lima pa, ang nakatanggap ng dalawang libo ay tumubo ng dalawa pa. Natuwa ang may ari sa dalawang ito. Hindi man niya pinuna ang nagbalik ng dalawang libo; hindi niya ito ikinompara sa nakabalik ng limang libo pa. Ang bawat isa ay may sariling kakayahan. Iyan ay kinikilala at ginagalang ng may-ari. Ang hindi niyang matanggap ay ang nakatanggap ng sanlibo. Ibinaon lang niya ito sa lupa at ibinalik sa may-ari ang kanyang natanggap. Hindi nga ito nasira o nawala, pero hindi naman tumubo. Naghahanap ang Diyos ng increase, ng tubo. Tamad at masamang katiwala ang tawag sa kanya. Ipinatapon siya sa kadiliman sa labas. Ito ay ang impiyerno! Minsan sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Tinawag ko kayo upang kayo ay magkaroon ng bunga, at bunga na mananatili. Magbubunga ang mga biyaya ng Diyos kung ito ay ginagamit sa kabutihan. Kaya ng Diyos na pasaganain tayo upang tayo ay magkaroon ng sapat sa ating pangangailangan at maging masagana sa pagtulong sa mga nangangailangan. Ang kasaganahan ay hindi lang para sa atin. Pinapasagana tayo upang mas maraming tao ang matutulungan at sa gayon marami ang makapagpasalamat sa Diyos.

Ngayong linggo ay World Day of the Poor. Ito ang Linggo bago ang huling Linggo ng taon ng simbahan na siyang kapistahan natin ng Christ the King. Pinapakita ng World Day of the Poor kung paano natin mapaglilingkuran si Jesus na ating hari. Mapaglilingkuran natin siya sa ating paglilingkod sa mga mahihirap. Huwag natin silang pabayaan. Kaya ang paksa sa Linggong ito ay huwag nating tatalikuran ang mga mahihirap. Gamitin natin ang anumang kakayahang binigay sa atin upang mapaglingkuran ang mga nangangailangan. Sapat ang kakayahan ng mundo na mawala ang kahirapan kung hindi natin pababayaan ang mga mahihirap.

Ang laman ng mga balita sa mga araw na ito ay ang digmaan sa Israel at sa Ukraine. Dalawa lang ito sa maraming digmaan na nangyayari sa mundo. Magastos ang mga digmaan. Ang bawat bomba na sumasabog ay nagkakahalaga ng ilang milyong piso. At ilang bomba at missiles ang sumasabog araw-araw! Ang mga sandata, ang mga bala, ang mga tangke, ang mga eroplano, at mga drones ay nagkakahalaga ng bilyon-bilyong pera. At may perang ganito ang binibigay ng mga bansa na tumutulong sa digmaan para pumatay. Kung ang ganitong halaga ay ginamit upang tulungan ang mga tao – gumawa ng ospital, magbigay ng traktora, gumawa ng pagkain, magpagawa ng paaralan – ilang tao ang matutulungan? Pero walang perang ginugugol para tulungan at paunlarin ang mga tao, pero ang laki ng halaga ang ginagamit upang pumatay at sumira!

Habang nananawagan tayo na itigil na ang mga digmaan at patayan, tayo, sa ating sariling makakayanan ay magsikap upang gamitin ang mga biyaya ng Diyos, tulad ng ating kaalaman, ng ating panahon, ng ating kayamanan, na makatulong sa iba. Magbalik handog tayo. Magsikap na palaguin ang mga biyaya hindi lang upang maging masagana ang buhay natin kundi upang mas lalo din tayong makatulong sa mahihirap. Para din sa kanila ang biyaya ng Diyos sa atin. Binigyan tayo ng biyaya upang maging daluyan tayo ng biyaya para sa iba. Huwag po natin talikdan ang mga nangangailangan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 29,807 total views

 29,807 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 35,225 total views

 35,225 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 41,932 total views

 41,932 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 56,727 total views

 56,727 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 62,883 total views

 62,883 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 2,551 total views

 2,551 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 7,871 total views

 7,871 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 10,029 total views

 10,029 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 12,187 total views

 12,187 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 12,537 total views

 12,537 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 26,007 total views

 26,007 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 26,436 total views

 26,436 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 30,480 total views

 30,480 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 33,236 total views

 33,236 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 33,236 total views

 33,236 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 33,218 total views

 33,218 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 36,719 total views

 36,719 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 33,218 total views

 33,218 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 33,213 total views

 33,213 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 33,213 total views

 33,213 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top