Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 108,048 total views

Mga Kapanalig, anim na taon, walong buwan, at dalawampu’t isang araw nakulong si dating Senadora Leila de Lima. Ganito kahaba ang panahong ninakaw sa kanya ng walang basehang pag-uugnay sa kanya sa bentahan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (o NBP).

Una nang napawalang-sala ang dating senadora sa dalawang kasong isinampa laban sa kanya. Nitong nakaraang linggo, pinagbigyan ang kanyang petisyong makapagpiyansa sa ikatlo at huli niyang drug case. Ayon kay Muntinlupa City Regional Trial Court Judge Gener Gito, bigo ang prosekusyong ipakita sa mga testimonyang may maituturing na conspiracy o pagsasabwatan ng mga akusadong magbenta ng ipinagbabawal na gamot sa NBP. 

Kilalang kritiko ang senadora ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago pa siya maging senador, inimbestigahan ni De Lima bilang commissioner ng Commission of Human Rights (o CHR) ang mga extrajudicial killings sa Davao City habang mayor doon ang dating presidente. Tinutukan niya bilang chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang mga kaso ng pagpatay sa giyera ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga. Sa kanyang pangunguna, naisiwalat sa mga pagdinig ng komite ang libu-libong kaso ng pagpatay at ang kaugnayan ni dating Pangulong Duterte sa mga ito. Dahil rito, walang habas siyang ipinahiya, minura, at pinagbantaan ng dating pangulo, bagay na pinatindi sa social media ng mga kakampi at masugid na tagasuporta ng sikat na presidente. Hindi nakatulong na ang ibang senador ay hindi nanindigan sa independensya ng Senado. Tinanggal nila si Senadora de Lima sa pagiging chairperson ng Committee on Justice and Human Rights.

Nang lumaon, idiniin ang dating senadora sa bentahan ng iligal na droga sa NBP, at noong 2017 ay inaresto nga siya. Hindi biro ang pinagdaanan ng senadora habang dinidinig ang kanyang mga kaso. Inungkat ang kanyang personal na Buhay at binastos sa maraming pagkakataon. Nanganib din ang kanyang buhay nang maging hostage siya ng isang bilanggo noong nakaraang taon. Sa kabila ng mga ito at maraming limitasyon sa kulungan, patuloy na nagtrabaho ang senadora hanggang matapos ang kanyang termino. Tumakbo rin siya sa pagkasenador ulit ngunit hindi pinalad. Sa kanyang paglabas, ipagpapatuloy daw niya ang kanyang adbokasiyang itaguyod ang katarungan at karapatang pantao sa bansa. 

Naniniwala ang Simbahan sa kahalagahan ng rule of law o pananaig ng batas sa isang tunay na demokrasya. Binibigyang-diin ng panlipunang turo ng Simbahang kailangan ang rule of law upang masigurong hindi ang interes ng iilan at kagustuhan lamang ng mga indibidwal ang nasusunod. Nakabatay ito sa mahalagang prinsipyo ng division of powers sa gobyerno. Ibig sabihin, ang kanya-kanyang kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan ay dapat nagagamit upang papanagutin ang isa’t isa at masunod ang batas. Dapat nating tandaang ang mga lingkod-bayan ay may pananagutan sa taumbayan, hindi sa pangulo o sa sinumang nasa poder. Taumbayan ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng pamahalaan, at sa tuwing binabaluktot ang batas para sa ganansya ng iilan, taumbayan ang talo. 

Kaya naman, taumbayan ang talo sa panggigipit kay dating Senadora de Lima. Hindi lang siya ang ninakawan ng panahon kundi pati ang taumbayang sinumpaan niyang paglingkuran bilang mambabatas. Tayo ang napagkaitan ng katotohanang maaaring nabigyang-linaw kung hindi naudlot ang mga pagdinig tungkol sa mga patayan sa war on drugs. Tayo ang ninakawan ng buong serbisyo mula sa isang nahalal na senador ng bansa. 

Mga Kapanalig, sinasabi nga sa Juan 8:32, “ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” Nawa’y sa paglaya ng dating senadora, kahit pansamalantala lang, tuluyan ding maisiwalat ang katotohanan sa likod ng mga pagpatay sa war on drugs. Mapanagot din sana ang mga maysala. Huwag tayong mapagod na ipanawagan ang mga ito upang sa huli, taumbayan naman ang panalo. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,260 total views

 3,260 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,233 total views

 9,233 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,988 total views

 14,988 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,251 total views

 22,251 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,236 total views

 30,236 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 3,261 total views

 3,261 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 9,234 total views

 9,234 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,989 total views

 14,989 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 22,252 total views

 22,252 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 30,237 total views

 30,237 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,250 total views

 35,250 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,254 total views

 47,254 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,296 total views

 55,296 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,853 total views

 46,853 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,278 total views

 45,278 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,064 total views

 47,064 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,989 total views

 43,989 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,303 total views

 58,303 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,993 total views

 61,993 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,596 total views

 60,596 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top