Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,206 total reads

Ang Mabuting Balita, 23 Nobyembre 2023 – Lucas 19: 41-44
ANG LAHAT NG KANYANG MAKAKAYA
Noong panahong iyon, nang malapit na si Jesus sa Jerusalem at matanaw niya ang lungsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi niya, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin. Sapagkat darating ang mga araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato’y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka.”
————
Sa ebanghelyong ito, makikita natin na si Jesus ay mayroong damdamin ng tao. Kung hindi, hindi niya tinangisan ang kanyang mga kababayan, sapagkat alam niya ang mangyayari sa Jerusalem balang araw. Noong 70 AD, kinubkob ng mga Romano ang siyudad ng Jerusalem, giniba ang una at ikalawang Templo at pinagkukuha ang mga sagradong laman nito. Napakasakit nito para sa mga Judio sapagkat para sa kanila, ang Templo sa Jerusalem ang sentro ng kanilang buhay. Ang tanging natira ay ang “western wall” na ngayo’y tinatawag na “wailing wall.” Ayon sa isang mananalaysay, ang siyudad ay sinalanta ng pagpatay, taggutom at kanibalismo. Ang mga Judio ay nagdanas pa ng maraming salanta sa kamay ng mga kaaway, kaya’t sila ay nagkahiwa-hiwalay at napaalis sa kanilang tinubuang-bayan.
Ginawa ni Jesus ANG LAHAT NG KANYANG MAKAKAYA upang maligtas ang kanyang mga kababayan, ngunit hindi sila nakinig sa kanya. Hindi nila siya kinilala bilang Tagapagligtas. Napakapalad natin na nakilala natin si Jesus bilang Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas, at hindi isang propeta lamang. Napakapalad natin na tayo ay tumatanggap ng walang sawang pagmamahal ng Diyos sapagkat napansin natin ang pagdating niya upang tayo ay maligtas!
Panginoong Jesus, tulungan mo kaming mapansin ang iyong presensya sa lahat ng aspeto ng aming buhay!

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 51,272 total reads

 51,272 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 100,529 total reads

 100,529 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 221,108 total reads

 221,108 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 271,466 total reads

 271,466 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 396,657 total reads

 396,657 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SAVIOUR AND PROTECTOR

 3,249 total reads

 3,249 total reads Gospel Reading for November 24, 2026 – Luke 21: 5-11 SAVIOUR AND PROTECTOR While some people were speaking about how the temple was

Read More »

GENEROSITY is GRATITUDE

 8,184 total reads

 8,184 total reads Gospel Reading for November 23, 2026 – Luke 21: 1-4 GENEROSITY is GRATITUDE When Jesus looked up he saw some wealthy people putting

Read More »

THESE LEAST ONES

 8,172 total reads

 8,172 total reads Gospel Reading for November 22, 2026 – Matthew 25: 31-46 THESE LEAST ONES The Solemnity of Our Lord Jesus Christ, King of the

Read More »

CANNOT FATHOM

 5,047 total reads

 5,047 total reads Gospel Reading for November 21, 2026 – Luke 20: 27-40 CANNOT FATHOM Memorial of the Presentation of the Blessed Virgin Mary Some Sadducees,

Read More »
Scroll to Top