Prolife Philippines, pangungunahan ang March for Life and Interfaith prayer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,487 total reads

Inaanyayahan ng Prolife Philippines Foundation ang mamamayan sa isasagawang interfaith prayer para sa pamilya, buhay at kapayapaan.

Ayon kay Prolife Philippines President Bernard Canaberal, ito ang magandang pagkakataon na magbuklod ang pamayanan upang isulong ang kahalagahan ng buhay at labanan ang anumang uri ng kasamaang pipinsala sa buhay ng tao.

“Those who are advocates of prolife and those who are in the family and life ministries in parishes and whatever religious denominations please join us, this gathering is much attuned to the realities of our lives these days.” bahagi ng pahayag ni Canaberal sa Radio Veritas.

Itinakda ng grupo ang march for life at interfaith prayer sa December 8 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria kung saan sisimulan ito sa

Banal na Misa sa ikapito ng umaga sa St. Francis of Assisi Parish na susundan ng paglalakad patungong Shrine of Our Lady of EDSA.

Sinabi ni Canaberal na may mga personalidad mula sa iba’t ibang denominasyon ang kasali sa gawain na kaisa sa pagsusulong at pagtataguyod sa karapatan ng buhay kaya’t magkakaroon ng ecumenical prayer sa EDSA Shrine.

Tema sa pagtitipon ngayong taon ang ‘Lakad Pasasalamat para sa Buhay, Pamilyang Pilipino at Pandaigdigang Kapayapaan’ bilang pagkilala sa mga usaping may kinalaman sa buhay ng bawat isa.

Batid din ni Canaberal ang labis na pagkabahala ng grupo sa sitwasyon sa Middle East lalo’t nagpapatuloy ang digmaan ng Israel at Hamas na kumitil na sa mahigit 10, 000 buhay kasama na ang mga inosenteng indibidwal at kabataan.

“We are worried about the children in Gaza yung mga orphans nakakaawang tingnan, nag-iisip kami ng paraan kung papaano kami makakatulong sa kanila kung pwede naming dalhin dito sa Pilipinas kaya lang mahabang process ito.” ani Canaberal.

Naniniwala ang opisyal na ang mga hakbang na sisira sa pundasyon ng tao at pamilya ay mula sa kasamaan upang lituhin ang pananampalataya ng tao kabilang na rito ang patuloy na pagsusulong ng aborsyon, diborsyo, usapin ng kasarian at iba pa.

“This is all about the works of the devil to disrupt, to disturb and to disorient people in terms of values dapat tandaan natin na mas mahalaga yung values kaysa sa valuables.” dagdag pa nito.

Suportado ni Paranaque Bishop Jesse Mercado ang gawain lalo’t ito ang kasalukuyang pangulo ng Family and Life ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at spiritual director ng Prolife.

Umaasa ang obispo na magbuklod ang kristiyanong sambayanan tungo sa mga gawaing magbibigay halaga sa buhay ng mamamayan.

“Actively participate in this momentous event, it is our opportunity to come togethe, united by our devotion to life, family and world peace and to send powerful message of hope and unity in the Lord.” giit ni Bishop Mercado.

Paalala ng obispo sa lahat ng dadalo sa pagtitipon na laging gumagabay ang Mahal na Birheng Maria sa paglalakbay at pagtataguyod sa buhay ng mamamayan sa patnubay ni Hesus na nag-alay ng kanyang buhay sa katubusan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 35,992 total reads

 35,992 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 143,480 total reads

 143,480 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 188,148 total reads

 188,148 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 210,354 total reads

 210,354 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 245,754 total reads

 245,754 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top