Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,946 total views

Ang Mabuting Balita, 23 Nobyembre 2023 – Lucas 19: 41-44
ANG LAHAT NG KANYANG MAKAKAYA
Noong panahong iyon, nang malapit na si Jesus sa Jerusalem at matanaw niya ang lungsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi niya, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin. Sapagkat darating ang mga araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato’y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka.”
————
Sa ebanghelyong ito, makikita natin na si Jesus ay mayroong damdamin ng tao. Kung hindi, hindi niya tinangisan ang kanyang mga kababayan, sapagkat alam niya ang mangyayari sa Jerusalem balang araw. Noong 70 AD, kinubkob ng mga Romano ang siyudad ng Jerusalem, giniba ang una at ikalawang Templo at pinagkukuha ang mga sagradong laman nito. Napakasakit nito para sa mga Judio sapagkat para sa kanila, ang Templo sa Jerusalem ang sentro ng kanilang buhay. Ang tanging natira ay ang “western wall” na ngayo’y tinatawag na “wailing wall.” Ayon sa isang mananalaysay, ang siyudad ay sinalanta ng pagpatay, taggutom at kanibalismo. Ang mga Judio ay nagdanas pa ng maraming salanta sa kamay ng mga kaaway, kaya’t sila ay nagkahiwa-hiwalay at napaalis sa kanilang tinubuang-bayan.
Ginawa ni Jesus ANG LAHAT NG KANYANG MAKAKAYA upang maligtas ang kanyang mga kababayan, ngunit hindi sila nakinig sa kanya. Hindi nila siya kinilala bilang Tagapagligtas. Napakapalad natin na nakilala natin si Jesus bilang Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas, at hindi isang propeta lamang. Napakapalad natin na tayo ay tumatanggap ng walang sawang pagmamahal ng Diyos sapagkat napansin natin ang pagdating niya upang tayo ay maligtas!
Panginoong Jesus, tulungan mo kaming mapansin ang iyong presensya sa lahat ng aspeto ng aming buhay!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 86,250 total views

 86,250 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 153,738 total views

 153,738 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 174,803 total views

 174,803 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 195,556 total views

 195,556 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 225,809 total views

 225,809 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNSTOPPABLE

 14,099 total views

 14,099 total views Gospel Reading for June 21, 2026 – Matthew 10: 26-33 UNSTOPPABLE Jesus said to the Twelve: “Fear no one. Nothing is concealed that

Read More »

GOOD INDICATION

 15,330 total views

 15,330 total views Gospel Reading for June 20, 2026 – Matthew 6: 24-34 GOOD INDICATION Jesus said to his disciples: “No one can serve two masters.

Read More »

A MORAL RESPONSIBILITY

 10,057 total views

 10,057 total views Gospel Reading for June 19, 2026 – Matthew 6: 19-23 A MORAL RESPONSIBILITY Jesus said to his disciples: “Do not store up for

Read More »

OBEY AS WE PRAY

 10,831 total views

 10,831 total views Gospel Reading for June 18, 2026 – Matthew 6: 7-15 OBEY AS WE PRAY Jesus said to his disciples:“In praying, do not babble

Read More »
Scroll to Top