Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa Red Wednesday campaign

SHARE THE TRUTH

 38,572 total views

Inanyayahan ng Aid to the Church in Need (ACN)-Philippines ang bawat mananampalataya na muling makiisa sa nakatakdang Red Wednesday campaign sa ika-29 ng Nobyembre, 2023.

Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas – pangulo ng Aid to the Church in Need – Philippines, ang pula ay sumasagisag sa alab ng puso at dugo ng mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig at pinapaslang sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Nilinaw ng Arsobispo na ang Red Wednesday ay isang prayer campaign na layuning palawakin ang kamalayan ng mga Filipino sa pag-uusig na dinaranas ng mga Kristiyano sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Bukod sa pagsusuot ng damit na kulay pula ay hinihikayat din ni Archbishop Villegas ang bawat Simbahan, unibersidad, institusyon at maging mga tahanan na magpailaw ng kulay pula o kaya naman ay magsindi ng kandila bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya.

“Ang pula ay sumasagisag sa alab ng puso, sa November 29, 2023 sa paglubog ng araw kayo po ay inaanyayahan ko ilawan natin ng pula ang harap ng ating mga buildings, ang harap ng ating mga institustions pati harap ng ating bahay, magsindi po kayo ng kandila sa labas ng bahay, sa labas ng Simbahan, ilawan natin ang harap ng Simbahan, ng paaralan at ng ating bahay alang-alang sa dugo ng mga Kristiyanong pinapatay, inuusig sa ating panahon, it will be Red Wednesday.” Ang bahagi ng paanyaya ni Archbishop Villegas.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalagang alalahanin ang lahat ng mga inuusig sa iba’t ibang panig ng daigdig sapagkat hindi lamang mga Katoliko ang nakararanas ng pag-uusig o paniniil kundi maging ang mga Kristiyano sa ibang denominasyon.
Sinabi ni Archbishop Villegas na bukod sa pakikiisa sa kampanya ay marapat ding ipanalangin ng bawat isa ang tuluyan ng pagwawakas ng pagdanak ng dugo partikular na ang nagaganap na terorismo at armadong sagupan na bumibiktima sa mga inosenteng mamamayan.

“November 29, 2023 sa paglubog ng araw ilawan natin ng pula ang buong mundo at sana ang pula ay manatili na sa ilaw, tumigil na ang pagdanak ng dugo, tumigil na ang terorismo, tumigil na ang karahasan at patayan, at ang pula ay maging sagisag lamang ng pagmamahal natin sa isa’t isa, sama-sama tayo November 29, 2023 – Red Wednesday for Persecuted Christians.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Napiling tema ng Red Wednesday campaign ngayong taon ang ‘Embracing Persecuted, Oppressed and Christians in Need’ na layuning higit na palaganapin ang kamalayan sa kalagayan at kapakanan ng mga inuusig na Kristiyano sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Nakatakda ang evening eucharistic celebration for persecuted Christians in the Philippines and worldwide sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral na pangungunahan ni Msgr. Bernardo Pantin ang secretary general ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ganap na alas-sais ng gabi na susundan ng pagpapailaw ng kulay pula sa Simbahan bilang pag-pupugay sa mga inuusig na Kristiyano sa buong mundo.

Matatandaang Enero ng taong 2020 ng aprubahan ng CBCP ang institutionalization ng Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need sa bansa o ang pormal na pagtatalaga ng Red Wednesday bilang taunang pagdiriwang ng Simbahan sa buong bansa na isang tanda ng hindi pagsasawalang kibo ang mga Pilipino sa dinaranas na hirap ng mga inuusig na Kristyano sa buong daigdig.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 30,256 total views

 30,256 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 37,737 total views

 37,737 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 50,877 total views

 50,877 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 56,850 total views

 56,850 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 62,603 total views

 62,603 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

CBCP
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nanawagan ng pananalangin ng “Oratio Imperata for Peace”

 1,106 total views

 1,106 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Oratio Imperata para sa Kapayapaan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). Sa naganap na 128th CBCP Plenary Assembly noong ika-6 hanggang ika-8 ng Hulyo, 2024 ay inaprubahan ng kalipunan ng mga Obispo ng bansa ang pananalangin ng Oratio Imperata for Peace mula ngayong ika-25 ng Hulyo,

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nanawagan sa mga mag-asawa na patatagin ang matrimony ng kasal

 5,322 total views

 5,322 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mag-asawa at pamilya na huwag sumuko sa isa’t isa at sa kanilang pangakong sinumpaan sa harapan ng Diyos at kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang bahagi ng panawagan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones – CBCP Regional Representative for

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

 7,414 total views

 7,414 total views Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa. Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 12,277 total views

 12,277 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 12,015 total views

 12,015 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 10,012 total views

 10,012 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 16,040 total views

 16,040 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 16,872 total views

 16,872 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 17,094 total views

 17,094 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 29,391 total views

 29,391 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 14,616 total views

 14,616 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 15,823 total views

 15,823 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 22,241 total views

 22,241 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 21,353 total views

 21,353 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 16,954 total views

 16,954 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top