Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,819 total reads

Ang Mabuting Balita, 28 Nobyembre 2023 – Lucas 21: 5-11

MGA PEKENG PROPETA

Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Jesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.”

Tinanong nila si Jesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?” Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.”

————

Nakakatakot ang ebanghelyo tulad ng prediksyon kamakailan lamang na magkakaroon ng “solar storm” mula Nobyembre 25 hanggang Nobyembre 26 na maaaring tumama sa mundo at magkaroon ng isang “geomagnetic storm” na gugulo sa “magnetic field” at “atmosphere” ng mundo.

Nagsalita si Jesus tungkol sa mangyayari sa Templo ng Jerusalem at siya’y tinanong nila kung kailan ito mangyayari. Hindi niya sinabi kung kailan, ngunit sinabihan sila na huwag paliligaw o magpalinlang sa mga magpapanggap na Mesiyas, o sa maikling salita, huwag magpalinlang sa MGA PEKENG PROPETA. Tunay na napakaraming pekeng propeta ngayon, at ang pinakamasama ay yaong ginagawa ang mali na tama, o ginagawa ang imoral na moral. Binabaluktot nila ang mga nakasulat sa Bibliya nang magamit para sa kanilang pangangailangan. Ang tunay na nakakatakot ay hindi ang mga malalakas na lindol, taggutom at salot sa iba’t ibang dako. Ang tunay na nakakatakot ay kapag ang mga ito ay maganap at tayo ay masawi, at hindi natin makamit ang buhay na walang hanggan sapagkat hinayaan nating malinlang tayo ng MGA PEKENG PROPETA.

Panginoon, nais namin maging laging handa na matawag sa mundong ito upang makamit namin ang buhay na walang hanggan kasama mo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,054 total reads

 238,054 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 269,783 total reads

 269,783 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 371,608 total reads

 371,608 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,170 total reads

 412,170 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 422,866 total reads

 422,866 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

OMNISCIENT

 2,599 total reads

 2,599 total reads Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13 OMNISCIENT Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend

Read More »

BRIDGING THE GAP

 3,967 total reads

 3,967 total reads Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4 BRIDGING THE GAP Jesus was praying in a certain place, and when he

Read More »

JOYFUL HOPE

 3,259 total reads

 3,259 total reads Gospel Reading for October 06, 2026 – Luke 10: 38-42 JOYFUL HOPE Jesus entered a village where a woman whose name was Martha

Read More »

The ROADMAP

 15,800 total reads

 15,800 total reads Gospel Reading for October 05, 2026 – Luke 10: 25-37 The ROADMAP There was a scholar of the law who stood up to

Read More »
Scroll to Top