Nagpatala sa WACOM4, nasa 3,974 na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 366 total reads

Umabot na sa halos apat na libo ang nagpatala para dumalo sa 4th World Apostolic Congress on Mercy o WACOM4 na gaganapin sa ibat-ibang bahagi ng bansa mula Enero 16-20 ng 2017.

Ayon kay Fr. Prospero Tenorio, secretary-general ng WACOM Asia, kabilang sa mga nagparehistro ang ‘fraternal delegates’ o yung mga namili lamang ng mga lugar na pupuntahan sa halip na dadaluhan ang 5-araw na pagtitipon.

“Ang ating registerd 3,974, kabilang ang kada araw may additional na fraternal delegates, sila yung hindi kaya ng 5 araw na tuloy-tuloy, sila yung namili lamang ng mga lugar na dadalawin.” ayon kay Fr. Tenorio sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, sinabi ni Fr. Tenorio na hindi maaari ang ‘gatecrasher’ kaya’t mahalagang magpatala ang mga dadalo sa WACOM4 upang magkaroon ng ID na siyang ‘gate pass’ para makadalo sa pagtitipon.

Sa mga nais magpatala, magtungo lamang sa National Shrine of Divine Mercy sa Marilao Bulacan o mag-login sa www.wacom4.com.

“Sa mga gustong humabol, need na magpatala dahil no ID no entry na ipatutupad para sa seguridad at peace and order ng lahat ng mga dadalo. Kailangan nilang magpatala para magkaroon sila ng IDs, sa mga nais magparegister magtungo sa National Shrine ng Divine Mercy, o sa www.wacom4.com.” ayon pa sa pari.

Nasa humigit kumulang 60 Diocese at Archdiocese sa Pilipinas ang makikibahagi kasama ang mga kinatawan mula sa mahigit 40 mga bansa.

Dadalhin ng tinaguriang “Pilgrimage of Mercy” ang mga delegado sa iba’t ibang banal na lugar sa Maynila, Batangas, Bulacan, at Bataan.

Isa sa highlights ng WACOM4 ang pagbisita ng mga delegado sa mga ulila, matatanda, may kapansanan, drug addicts at katutubong Dumagat.

Napili ang Pilipinas na mag-host sa banal na pagtitipon dahil ang mga Filipino saan mang bahagi ng mundo ang nangungunang nagdadala ng pagdedebosyon sa bawat lugar na kanilang puntahan at ito ay napapanahon sa paghahanda na rin sa 500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas sa taong 2021 na kailangang malaman ng buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 14,216 total reads

 14,216 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 47,550 total reads

 47,550 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 79,696 total reads

 79,696 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 145,752 total reads

 145,752 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 164,171 total reads

 164,171 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 254,684 total reads

 254,684 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 381,551 total reads

 381,551 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top