Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipalanalangin ang ganap na kapayapaan, panawagan ng simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 42,112 total views

Hinihikayat ng opisyal ng social arm ng Archdiocese of Manila ang bawat isa na isama sa pananalangin ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa mundo.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

Ayon sa Pari na siya ring pangulo ng Radyo Veritas – Ang Radyo ng Simbahan, ang Dakilang Kapistahan ng Inmakulada Conception ay isang dakilang araw upang gunitain ang pagpapala at pagsasakatuparan ng Panginoon sa pangakong kaligtasan sa sangkatauhan ng mapili ang Mahal na Birheng Maria upang maging Ina ng Manunubos.

“Isang dakilang araw para sa ating mananampalataya sa ating paggunita at pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria, Inmakulada Conception. Tayo po’y mapalad na isa sa lahi natin ay pinili na maging Ina ng Manunubos. Isang pagpapala sa ating lahat isang misyon isang pakikiisa sa pagliligtas ng Diyos.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Pari ang pagkakaroon ng tigil putukan at pananaig ng kapayapaan ang maituturing na isang tunay na paghahanda para sa pagdating ni Hesus na siyang Prinsipe ng Kapayapaan.

Bukod sa patuloy na mga kaguluhang nagaganap sa iba’t ibang panig ng daigdig ay partikular ding ipinalangin ni Fr. Pascual ang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

Nawa ayon sa Pari ay masumpungan ng bawat isa ang biyaya ng pagbabalik-loob upang tuluyan ng mawakasan ang nagaganap na kaguluhan at sagupaan at magkaroon na ng ganap na kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig.

“Tunay na paghahanda sa pagdating ng prinsipe ng kapayapaan. Tigil putukan sa lahat ng lupalop ng daigdig lalong lalo na sa Gitnang Silangan at Europa. At sa ating bansa din sa ka-Mindanaoan nawa’y tunay na maghari ang prinsipe ng kapayapaan. At upang maging karapat-dapat tayo sa grasya ng araw na ito, hingi natin ang biyaya ng pagbabalik-loob.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Sa liturgical calendar ng Simbahang Katolika, ang December 8 ay isang mahalagang araw bilang Dakilang Kapistahan ng Inmakulada Conception na nangangahulugan na ipinaglihi si Maria ng kanyang ina na si Santa Ana na walang bahid ng orihinal na kasalanan.
Ang Kapistahan ng Immaculada Concepcion ay isang holy day of obligation sa mga Katoliko kaya’t hinihikayat ang bawat isa sa pagsisimba.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 13,439 total views

 13,439 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 26,181 total views

 26,181 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 46,105 total views

 46,105 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 51,956 total views

 51,956 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 59,352 total views

 59,352 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top