Protect life and defend family, itataguyod ng Prolife Philippines

SHARE THE TRUTH

 20,379 total views

Patuloy na isusulong ng Prolife Philippines Foundation ang mga hakbang na magpapatatag sa buong sambayanan.

Sa ginanap na march for life sinabi ni Prolife President Bernard Canaberal na nakatuon sa pagpapatibay ng pundasyon ng lipunan ang mga gawain ng grupo tulad ng: ‘Uphold life; Defend the Family; Restore Humanity, at; Stand for Peace.’

Binigyang diin ng opisyal na mahalagang itaguyod ang buhay sapagkat ito ay natatanging biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Kasabay nito ang pagbibigay proteksyon sa bawat pamilya dahil ito ang pinakamaliit na yunit ng lipunan subalit napakalaki ang responsibilidad sa pagbuo ng isang mapayapa at maayos na pamayanan.

“To protect and fight for the family dahil sa pamilya nagmumula ang lahat, ang edukasyon, ang simbahan, ang paaralan nasa pamilya lahat at sa pamilya nangyayari ang pinakamatinding labanan,” pahayag ni Canaberal sa Radio Veritas.

Batid ni Canaberal na dapat pahalagahan ng tao ang bawat biyayang ipinagkaloob ng Panginoon tulad ng buhay at pamilya sapagkat ito ang pangunahing pagtupad sa misyon na iniatang ni Hesus sa bawat binyagan ang pagpapahalaga sa mga nilikha ng Panginoon.

Batid nitong sa kasalukuyang henerasyon ay unti-unting nawawala ang pagpapahalaga ng kabataan sa mga sakramento ng simbahan tulad ng kasal na pangunahing pundasyon sa isang matibay na pamilya at lipunan.

Naniniwala ang opisyal na ang mga hakbang na sisira sa pundasyon ng tao at pamilya ay mula sa kasamaan upang lituhin ang pananampalataya ng tao kabilang na rito ang patuloy na pagsusulong ng aborsyon, diborsyo, usapin ng kasarian at iba pa.

“This is all about the works of the devil to disrupt, to disturb and to disorient people in terms of values dapat tandaan natin na mas mahalaga yung values kaysa sa valuables.” dagdag pa nito.

Kasabay ng Dakilang Kapistahan ng ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria nagtipon ang iba’t ibang prolife groups para sa interfaith prayer sa Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace – EDSA Shrine.

Bukod sa pangangalaga sa buhay at pamilya dalangin din ng grupo ang pagkakaroon ng kapayapaan sa buong daigdig at mawakasan ang mga digmaan at tunggalian ng mga bansa dahil bukod tanging mga inosenteng indibidwal ang lubhang napinsala nito.

Gayundin ang panawagang ibalik ang dignidad ng sangkatauhan at igalang ang mga nilikha ng Diyos.
“We would like to invoke everybody to come and join us spread the good news and be part of the celebration of life,” ani Canaberal.

Bago ang march for life patungong EDSA Shrine nagsagawa ng Banal na Misa sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City na pinangunahan ni Franciscan Capuchin Fr. Uldarico Camus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,953 total views

 81,953 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,957 total views

 92,957 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,762 total views

 100,762 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,949 total views

 113,949 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,320 total views

 125,320 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,739 total views

 12,739 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top