Pangakong wakasan ang ENDO,traffic at kahirapan, tuparin ni PDU30

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 504 total reads

Ito ang naging panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity lalo’t tila ipinagkibit balikat na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naipangako niya noong nakaraang eleksyon.

Pinuna ni Bishop Pabillo ang hindi pagtugon ng punong ehekutibo sa problema ng mga contractual workers, matinding traffic at kahirapan dahil sa kawalan ng malinaw na programa ukol rito.

“May mga declaration siya noong tatakbo siya na hindi naman natupad. Sabi niya, 3-months wala ng ENDO,andiyan pa rin ang contractualization. Sinabi niya tanggalin ko yung traffic, andiyan pa din yung traffic problem. Marami siyang sinabi na hindi pinapatupad, yung kahirapan hindi tinutugunan,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na umiikot lamang sa isang plataporma at programa ang binibigyang katugunan ng gobyerno ukol sa kampanya kontra iligal na droga na salungat naman sa pagpapahalaga ng buhay dahil mahigit anim na libo na ang napapatay.

“Hindi naman niya tinutuganan yung traffic, hindi naman niya tinugunan yung contractualization ng labor. Ito sana ay makakatulong din para maiwasan yung droga pero itong pagpatay ang kanyang ginawa hindi ba selective din siya sa kanyang pagpapatupad ng kanyang pangako?” giit pa ni Bishop Pabillo sa Veritas Patrol.

Noong nakaraang taong 2016, nanawagan na si Bishop Pabillo kay Pangulong Duterte na tuparin ang pangakong wakasan ang ENDO,traffic at kahirapan.

Read: http://www.veritas846.ph/tuparin-ang-pangakong-wakasan-na-ang-endo/

Nabatid sa pag –aaral ng nimbeo.com na nanatili pa rin sa ika – limang puwesto ang Pilipinas mula taong 2015 sa mga worst traffic in Asya habang bigo ang Department of Labor and Employment sa target na wakasan ang ENDO sa limampung porsiyento noong 2016.

Nauna na ring pinaalalahanan ni Pope Francis ang mga lider ng bansa sa buong mundo na maging daluyan ng pag – asa sa paglulunsad ng pro – poor program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,404 total reads

 77,404 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,632 total reads

 155,632 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,079 total reads

 189,079 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,376 total reads

 224,376 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,810 total reads

 447,810 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,414 total reads

 298,414 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,281 total reads

 409,281 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top