Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 83,980 total reads

Mga Kapanalig, hindi malayong isa ka sa mahigit 84 milyong aktibong social media users sa Pilipinas. Ang bilang na ito ay katumbas ito ng 72.5% ng ating populasyon. Napakarami nga sa atin ang connected online.

Kaya naman, sa Catholic Social Media Summit na ginanap sa Cebu kamakailan, pinaalalahanan ni Auxiliary Bishop Ruben Labajo ng Cebu ang mga tinatawag na social media communicators na linangin ang tinatawag na virtue of prudence. Kailangan daw maging laging mahinahon at maingat sa pagpo-post at pag-browse sa social media ng mga nasa social communication ministry. Kapansin-pansin daw kasing may mga personal na post ang mga naglilingkod sa Simbahan na salungat sa mensaheng ipino-post nila sa social media platform ng kanilang parokya. Kung gaano ka-wholesome ang inilalagay nila sa page ng kanilang parokya, ganoon naman kabastos ang kanilang ibinabahagi sa kanilang personal na mga account. Habilin ng obispo, ang pagpo-post sa social media ay maging paraan sana na pagiging saksi nila kay Kristo. “Strive to be a witness of Christ,” paalala ni Bishop Labajo.

Napakalaking hamon nito, hindi lamang sa mga nasa social communications ministry ng mga parokya, kundi pati sa ating mga Katolikong gumugugol ng maraming oras sa social media. Alam n’yo bang sa isang araw, ang isang karaniwang Pilipino ay nakatutok sa social media sa loob ng tatlong oras at 43 minuto? Ang tatlong pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ang mga Pilipino ng social media ay: una, ang makahanap ng impormasyon; pangalawa, ang makapag-ugnayan sa mga kaibigan at kapamilya; at pangatlo, ang mag-research kung paano ginagawa ang iba’t ibang bagay.

Pero sa panahong napakaraming content ang umaagaw sa ating atensyon sa tuwing gagamit tayo ng social media—mula sa hiwalayan ng mga sikat na artista hanggang sa mga alingasngas ng iringan ng mga pulitiko—marami sa ating hiráp pigilan ang sariling magbigay ng komento o opinyon. May mga pagkakataon pang ginagatungan natin ang mga isyu at nakapagbibitiw tayo ng masasakit na salita. Ang mas nakababahala, isang click lamang ang kailangan upang makapag-share tayo ng malisyosong impormasyon o kasinungalingan. Parang laging may tuksong maging parte ng usapan, na maging updated sa mga latest na nagaganap, o na hindi maiwan sa kung ano ang uso at mainit sa social media. Tila ba nakasalalay na sa dami ng likes at views ang ating halaga sa social media.

Kaya napakahalagang maging mahinahon at maingat, dahil kung magiging tapat tayong mananampalataya, ayaw nating maging bahagi ng pagkakalat ng kasinungalingan, ng pag-aaway-away, o ng pagdumi sa isipan ng ating kapwa. Magandang paalala lagi sa atin ang nasasaad sa Santiago 1:19: “maging alisto kayo sa pakikinig [at] maingat sa pagsasalita.” Mahalaga ang mga ito sa komunikasyong sumasaksi kay Kristo. 

Kaakibat ng pagiging saksi kay Kristo sa social media ay ang pagiging saksi sa katotohanan. Sa isang misang pinangunahan niya sa Catholic Social Media Summit, binigyang-diin naman ni Archbishop Jose Palma ng Cebu na ang katotohanan ang sandigan ng komunikasyon. Sa ating paggamit ng social media, tayo raw sana ay maging totoo—”speak true, think true, and act true.” 

Kaya naman, ang mga ibinabahagi ba natin sa social media ay totoo? Ang sinasabi ba natin tungkol sa ating kapwa sa social media ay totoo? Ang mga ipino-post ba natin sa social media ay nagbibigay-linaw sa isang usapin o nagdudulot ng kaguluhan at pagdududa?

Mga Kapanalig, makabagong ugnayan ang ibinibigay sa atin ng social media. Makita sana natin ito bilang biyaya sa halip na isang instrumento ng pagsisinungaling, paninira, at pagkakahati-hati. Ang ating komunikasyon sa pamamagitan ng social media ay maging isang pamahid na nagpapagaan ng sakit at isang masarap na alak na nagpapasaya sa mga puso. 

Sumainyo ang katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 35,176 total reads

 35,176 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 186,496 total reads

 186,496 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 221,170 total reads

 221,170 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 237,070 total reads

 237,070 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 273,556 total reads

 273,556 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 280,933 total reads

 280,933 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 186,497 total reads

 186,497 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 221,171 total reads

 221,171 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 237,071 total reads

 237,071 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 273,557 total reads

 273,557 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top