Paglalaan ng Pondo para sa Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 84,467 total views

Isa sa mga gawaing dapat nating unahin sa indibidwal hanggang nasyonal na lebel ay ang paglalaan ng pondo para sa kalusugan. Kitang kita natin ang value nito noong panahon ng pandemya na nagpamukha sa atin na ang kalusugan ay pundasyon ng kaunlaran.

Sa individual at household level, mahirap para sa maraming mga Pilipino ang maglaan ng pera para sa kalusugan – marami kasi ang bitin ang kita, at hirap na pagkasyahin ang ito para sa masustansyang pagkain. Pero dahil nga kulang na sa masustansyang pagkain, nagiging mas urgent ang pangangailangan ng pondo para sa kalusugan.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan ng mas maayos na paglalaan ng pondo para sa kalusugan ng bayan. Hirap na ang tao maging malusog dahil sa karalitaan, hindi pa sila masuportahan ng pamahalaan. Kailangan tanggapin at yakapin ng pamahalaan ang responsibilidad na ito, dahil siya ang pangunahing haligi sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. Para epektibong magawa ito ng pamahalaan, kailangan niya suriin ang mga isyung nakapaligid dito.

Isa sa mga pangunahing isyu ay ang kawalan ng sapat na pondo para sa mga health facilities at serbisyong pangkalusugan. Maraming lugar sa bansa, lalo na ang mga nasa malalayong probinsya, ang naghihirap sa kakulangan ng mga ospital, kagamitan, at sapat na bilang ng mga health professionals. Ang paglalaan ng sapat na pondo ay mahalaga upang mapabuti ang imprastruktura ng kalusugan at matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Ang pagtaas ng investments for health ay maaaring magsilbing pondo para sa mas makabagong teknolohiya at gamot na makakatulong sa mas epektibong pagtugon sa mga karamdaman. Mahina ang research and development sa ating bayan, kapanalig. Ang pag-aaral at pagsasaliksik sa larangan ng medisina ay mahalaga para sa pag-unlad at pagpapabuti ng kalusugan ng mga Pilipino. Ang paglalaan ng sapat na pondo para rito ay nagbibigay-daan sa mas mabilis na pag-usbong ng mga bagong gamot at treatments.

Pangatlo, ang edukasyon sa kalusugan ay isang aspeto na hindi rin dapat maliitin. Ang kampanya para sa preventive health measures, gaya ng maayos na nutrisyon at regular na ehersisyo, ay pangunahing armas laban sa mga karamdaman. Kailangan din ang pondo para dito. Ang paglalaan ng pondo para sa edukasyon at kampanya ay nagbubukas ng oportunidad para sa mas malawakang pag-unawa ng mamamayan sa kanilang sariling kalusugan.

Ayon sa Rerum Novarum, it is the province of the commonwealth to serve the common good. Ang kalusugan ng mamamayan, kapanalig, ay isa sa ating common good o kabutihan ng balana. Ang pondo para sa kalusugan ay hindi lamang gastusin kundi isang investment para sa kinabukasan ng bansa. Ang malusog na mamamayan ay may mas mataas ang produktibidad, mas mababang bilang ng mga nagkakasakit, at mas matibay ang pundasyon para sa long-term progress. Sa pagtutok ng pamahalaan sa sapat at tamang pondo para sa kalusugan, nagiging mas makakabuluhan din ang buwis na kinakaltas sa atin.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 5,651 total views

 5,651 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 41,441 total views

 41,441 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 83,333 total views

 83,333 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 137,162 total views

 137,162 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 163,798 total views

 163,798 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 5,652 total views

 5,652 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 41,442 total views

 41,442 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 83,334 total views

 83,334 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 137,163 total views

 137,163 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »
Scroll to Top