Ilan o Magkano ang ibabalik handog December 24, 2023 Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,604 total views

Kung tayo ay mabuting katiwala magbabalik handog tayo. Ito ay tanda ng pagkilala na tayo ay katiwala kaya nagbibigay tayo ng bahagi ng may-ari. Ang balik handog ay pagpapasalamat sa Diyos. Ito ay tanda ng tiwala sa kanya na hindi naman niya tayo pababayaan. Ang balik handog ay tanda din ng ating pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Nagmamahal tayo kaya generous tayong nagbibigay.

Ano ang ating binabalik handog? Ang ating panahon upang mapalalim ang ating kaugnayan sa Diyos, ang ating talento o kagalingan sa ating pagseserbiyo sa simbahan o sa lipunan, at ang ating kayamanan.

Ngayon ay tanong ay: magkano o ilan ang ating ibabalik handog? Ilang panahon ay ilalaan natin sa ating pagdarasal, gaano katagal tayo magseserbisyo? Magkano ang ibabalik handog natin? Sana makapagbigay tayo ng lahat. Ang una at pinakamahalagang utos ng Diyos ay: mahalin mo ang Diyos ng buong puso mo at ng buong lakas mo. Natuwa ang Diyos sa babaeing balo na nagbigay ng dalawang kusing lamang kasi ang lahat ng mayroon siya ay kanyang ibinigay sa templo.

Buo ang tiwala niya na hindi siya pababayaan at buo ang pagmamahal niya sa Diyos. Sa mayamang binata na lumapit sa Diyos na excited na nagtatanong kung ano ang gagawin niya upang magkaroon siya ng buhay na walang hanggan, ang sagot ni Jesus sa kanya noong malaman niya na ginagawa na pala niya ang mga utos ng Diyos mulang ng pagkabata niya, isa na lang ang kulang niya, na ipagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at ipamigay sa mga mahihirap at sumunod sa kanya. Naghahanap ang Diyos ng lahat. Mahihingi ito ng Diyos kasi ang lahat ay nanggaling naman sa kanya. Mahihingi ito ng Diyos kasi ang lahat naman na mayroon siya ay binigay niya sa atin. Pinadala niya ang kanyang kaisa-isahang anak sa atin. Binigay ni Jesus ang buong buhay niya sa atin. Ito ang ipinagdiriwang natin sa ating Banal na Misa – ang pagpipiraso-piraso ng kanyang laman at ang pagdanak ng kayang dugo para sa atin

Kaya, kaya ba nating gawin ito? Nagawa iyan ng mga apostol. Iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus. Nagawa iyan ng mga martir. Ang buong buhay nila ay binigay nila kay Jesus. Ang sabi ni San Lorenzo Ruiz na kung may isang libong buhay siya ang bawat isa noon ay iaaalay niya kay Kristo. Nagagawa iya ng mga pari, mga madre, at mga consecrated persons. Itinalaga na nila ang buong buhay nila para sa Diyos. At gagawin din natin iyan sa panahon ng ating kamatayan. Bibitawan din natin ang lahat ng ari-arian natin at ang panahon at buhay natin kapag tinawag na tayo ng Diyos.

Pero kung hindi pa natin kayang bitawan ang lahat ngayon, magbigay tayo ng ating makakayanan. Tandaan natin, mas generous tayo, mas mabuti. Hindi natin matatalo ang Diyos sa pagiging mapagbigay. At siya ay marunong maggantimpala ng siksik, liglig at nag-uumapaw pa! Kung talagang naghahanap tayo ng halaga ng how much, magsimula tayo sa ten percent. Iyan ay ang ikapu na sinasabi sa bibliya. Sinabi ng Diyos sa pamamamagitan ni propeta Malakias: “Dalhin ninyo ng buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala.” (Mal 3:10)

Ang 10 percent ay hindi lang pera. Ganoon din ang panahon. Huwag lang tayo makontento ng nagdarasal tayo ng 5 minutes kada araw. Kada araw mayroon tayong 24 hours. Kada oras mayroong 60 minutes, kaya kada araw mayroong tayong 1440 minutes. Kung talagang bilangin natin ang 10 percent ng 1440 minutes ay 144 minutes na hingit na dalawang oras. Magsimula tayong magdasal ng kahit 30 minutes a day lang. Pwede ring magserbisyo tayo kalahating araw linggo-linggo. Madali naman kwentahen ang ikapu ng ating kinikita. Kung hindi pa natin kaya ito kasi kulang pa tayo sa tiwala at sa pagmamahal sa Diyos, magsimulang magbigay sa halaga na may kaunting kerot sa atin, hindi lang ng halaga na hinda nga natin nahalata na nagbigay pala tayo.

Ngayong narinig na ninyo ang paliwanag tungkol sa mabuting katiwala at sa balik handog, pakinggan natin ang sinulat ni San Pablo: “ Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay ng may kagalakan. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkawanggawa… Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami pa ang inyong matutulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin sa kanila.” (2 Cor 9:7-8.11)

Ang ating generosity ay nagmumulat sa maraming tao sa kabutihan ng Diyos.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 10,405 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 10,511 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 74,088 total views

 74,088 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 143,523 total views

 143,523 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 174,807 total views

 174,807 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 206,820 total views

 206,820 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 355,331 total views

 355,331 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 2, 2026

 14,501 total views

 14,501 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 16,215 total views

 16,215 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 21,556 total views

 21,556 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 29,128 total views

 29,128 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »
Scroll to Top