SABADO, DISYEMBRE 30, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,387 total views

Ika-6 na Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

1 Juan 2, 12-17
Salmo 95, 7-8a. 8b-9. 10

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Lucas 2, 36-40

The Sixth Day in the Octave of Christmas (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 12-17

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat ipinatawad na ang inyong mga kasalanan, alang-alang kay Kristo. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa’y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat tinalo ninyo ang Masama. Sinulatan ko kayo, mga anak, sapagkat nakikilala ninyo ang Ama. Sinulatan ko kayo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa’y siya na. Sinulatan ko kayo, mga kabataan, sapagkat malalakas kayo; nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at tinalo ninyo siya, ang Masama.

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay sa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan – ang nakapupukaw sa masamang pita ng laman, ang mga nakatutukso sa paningin, at ang karangyaan sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mapaparam ang sanlibutan at lahat ng kinahuhumalingan nito; ngunit ang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 7-8a. 8b-9. 10

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Panginoon ay purihin ng lahat sa sandaigdigan!
Purihin ang lakas niya at ang kanyang kabanalan!
Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Dumulog sa kanyang templo’t maghandog ng mga alay.
Kung Panginoo’y dumating, sa likas n’yang kabanalan,
humarap na nanginginig ang lahat sa daigdigan.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Banal na araw sumikat:
halina’t sumambang lahat
sa nanaog na Liwanag!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 36-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, naroon sa templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

Nang maisagawa ng mga magulang ni Hesus ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang batang si Hesus ay lumaking malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 30

Inialay ng propetang si Ana ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa Panginoon at hindi napagod sa pagsamba sa Diyos sa araw at gabi. Ialay natin sa Ama ang ating mga sariling panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng aming mga pag-asa, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y makapag-alay ng karapat-dapat na pagsamba sa Diyos at maging tapat sa pagdulog sa Diyos ng mga pangangailangan ng mga tao sa pamamagitan ng panalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y makapaglingkod nang lubos sa kanilang mga nasasakupan bunga ng pag-ibig sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tinawag sa paglilingkod sa Simbahan nawa’y maglingkod sa Diyos nang buong pagtalima at walang pag-aalinlangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at pinag-uusig nawa’y ialay sa Diyos ang mga pagsubok at paghihirap na kanilang dinaranas bilang angkop na pagsamba, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maihanay sa mga banal at mga anghel sa kanilang pagsamba sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, nilikha mo kami para sa iyo. Tulungan mo kaming parangalan ka sa pamamagitan ng aming huwarang pamumuhay. Hinihiling namin ito sa pamamgitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 23,684 total views

 23,683 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 59,474 total views

 59,473 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 101,366 total views

 101,366 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 154,736 total views

 154,736 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 179,993 total views

 179,993 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Abril 30, 2026

 2,648 total views

 2,648 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 4,054 total views

 4,054 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

Martes, Abril 28, 2026

 4,054 total views

 4,054 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis

Read More »

Lunes, Abril 27, 2026

 2,977 total views

 2,977 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (II) Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4. Aking

Read More »

Linggo, Abril 26, 2026

 2,394 total views

 2,394 total views Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 2, 14a. 36-41 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top