Talakayan sa Cha-cha, isusulong ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 36,947 total views

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga talakayan at pagpupulong upang magabayan ang mamamayan kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ito ang bahagi ng pahayag ng CBCP tungkol sa People’s Initiative on Charter Change na may titulong “What is Good?” o “Ano ang Mabuti?” na nilagdaan ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Ayon sa Obispo, pagsusumikapan ng Simbahan na magabayan at mabuksan ang kamalayan ng bawat isa upang ganap na makapagdesisyon para sa ikabubuti ng bayan.

“Pagsusumikapan po namin sa aming bahagi na makapagbukas ng mga pagpupulong at pagtatalakayan patungkol sa Saligang Batas at mga suliranin ng ating bansa. Hangad po naming makapagnilay po tayo at makapag-desisyon para sa tunay na mabuti para sa lahat!” ang bahagi ng pahayag ng CBCP.

Pagbabahagi ng Obispo, nakababahala ang mga balita ng pagpapapirma para sa People’s Initiative sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kung saan tila marami ang walang malinaw na pag-unawa sa dokumentong kanilang nilalagdaan.

Paliwanag ni Bishop David, “Nababahala kami sa mga balita na nagmula na rin sa mga tao na nagkaroon ng mga pagpapapirma sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa, para sa isang tinatawag na People’s Initiative. Marami ang maaaring lumagda na dahil sa napakaraming dahilan, ngunit malinaw na ang inyo o kanilang paglagda ay hindi bunga ng isang masusing pag-aaral at pag-uusap patungkol dito.”

Giit ng Obispo, dapat na ituring ng bawat isa na mahalaga ang kanilang lagda sapagkat maaari nitong mabigyang ng kakayahan ang mga mambabatas na baguhin at palitan ang Saligang Batas ng Pilipinas.

Ayon kay Bishop David, bagamat tanging usaping pang-ekonomiya lamang ang sinasabing layunin ng pag-amyenda ng Konstitusyon ay hindi naman maiaalis ang posibilidad na may iba pang baguhin at palitan kung maisulong ang People’s Initiative na hindi dumadaan sa tamang proseso ng pag-amyenda ng Saligang Batas.

“Hindi po ito simpleng lagda. Dahil sa inyong paglagda ay binibigyan po ninyo ng kakayahan ang ating mga mambabatas na palitan o baguhin ang ating Saligang Batas. Mababasa ninyo o maririnig na usaping pang-ekonomiya lamang daw ang kanilang hangad baguhin o amyendahan. Ngunit kahit ang mga senador na mga mambabatas din natin ang nagsasabing napakalaking posibilidad na higit pa riyan ang maaaring pakialaman at baguhin kapag nagtagumpay ang People’s Initiative na ito.” Dagdag pa ni Bishop David.

Binigyang diin naman ng Obispo na bagamat pansamantala nang sinuspende ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng gawain kabilang ang pagtanggap ng mga ‘signature forms’ na may kaugnayan sa People’s Initiative ay hindi pa din dapat na maging kampante ang lahat lalo na sa iba pang tangka para isulong ang Charter Change.

“Nagkaroon na nga po ng desisyon ang COMELEC patungkol sa pansamantalang pagbabasura sa mga petisyong ito para sa sinasabing People’s Initiative. Ngunit hindi pa rin po tayo dapat maging kampante dahil malamang magkakaroon pa rin ng mga iba pang tangka para sa Charter Change na ito.” Paalala ni Bishop David.

Batay sa tala ng COMELEC, nakatanggap na ang ahensya ng signature ng forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 27,533 total views

 27,532 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 32,950 total views

 32,950 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 39,658 total views

 39,657 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 54,453 total views

 54,453 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 60,609 total views

 60,609 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Kauna-unahang EJK memorial site, pasisinayaan sa labor day

 8,407 total views

 8,406 total views Nakatakdang pasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing himalayan ng mga biktima ng extra-judicial killings. Inihayag ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD na layunin ng ‘Dambana ng Paghilom’ na kauna-unahang EJK Memorial Site na mabigyan ng

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

MaPSA nagsagawa ng donation campaign, sa pagsasaayos ng nasunog na paaralan

 8,626 total views

 8,626 total views Nagpahayag ng pakikiisa sa Paco Catholic School ang Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) matapos ang naganap na sunog na tumupok sa bahagi ng paaralan noong nakalipas na Sabado. Bilang tugon sa pangangailangan ng Paco Catholic School ay naglunsad ng inisyatibo ang MaPSA upang makapangalap ng donasyon na makakatulong para sa muling

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 8,925 total views

 8,925 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 9,605 total views

 9,605 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 10,983 total views

 10,983 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nag-alay ng panalangin para sa mga opisyal ng Pilipinas

 13,517 total views

 13,517 total views Nag-alay ng panalangin ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para mga opisyal at lider na namamahala sa bansa. Kasabay ng paggunita sa Good Shepherd Sunday na itinuturing din na Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Bokasyon, inalala at ipinanalangin ng Caritas Philippines sa pangunguna ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagpapatigil ng human rights violations sa Negros island, apela ng Obispo sa pamahalaan

 14,657 total views

 14,657 total views Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad at katarungang panlipunan sa Negros island. Ito ang mensahe ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Vice-President ng Caritas Philippines bilang suporta sa isinasagawang 24-hour Fasting Protest ng mga political

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

100-political prisoners, magsasagawa ng 24-hour fasting protest

 18,270 total views

 18,270 total views Magsasagawa ng 24-hour Fasting Protest ang may 100-political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations na nagaganap sa lalawigan. Inihayag ng Negros Occidental Chapter ng Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagkilala sa mga kababaihan, nararapat at napapanahon

 16,236 total views

 16,236 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ang pagbibigay halaga at pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para sa patas na pagtingin sa bawat isa sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni CBCP Office on Women chairman Borongan Bishop Crispin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 24,154 total views

 24,154 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 24,895 total views

 24,895 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 18,192 total views

 18,192 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 18,632 total views

 18,632 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 20,683 total views

 20,683 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 23,037 total views

 23,037 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top