Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 150,466 total reads

Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector.

Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng agrikultura sa Pilipinas ay ang kawalan ng sapat na pondo at suporta mula sa pamahalaan. Kahit pa agrikultural ang ating bansa, maliit ang alokasyon nito sa national budget, kumpara sa ibang sektor. Nasa P197 billion ang budget para dito ngayong 2024, mas maliit kumpara sa budget para sa sektor halimbawa ng transport, o ng military. Tumaas man ang halaga na ito mula sa 2024 figures, maliit pa rin ito lalo pa’t nahaharap tayo sa food shortage at epekto ng El Nino at ng napipintong La Nina. Ang kakulangan sa pondo ay nagdudulot ng limitadong access sa modernisasyon ng kagamitan at teknolohiya, kawalan ng suporta sa mga magsasaka at mangingisda, at kakulangan sa mga programa para sa pagpapaunlad ng sektor.

Ang agricultural sector din ay iniiwan na rin ng mga mas batang henerasyon. Ang average age ngayon ng ating mga agricultural workers ay 55 hanggang 59 years old. Ilang taon na lang ang bibilangin, marami na sa kanila ang mag reretiro, at mahaharap tayo sa kakulangan ng agricultural workers. Hamon na naman ito para sa food security ng bansa.

Ang kakulangan sa edukasyon at kasanayan sa larangan ng agrikultura ay nagdudulot din ng patuloy na pagbagsak ng sektor. Maraming kabataan ang hindi na nangangarap na maging magsasaka o mangingisda. Marami sa kanila, hindi na alam ang kahalagahan ng agrikultura. Ang pagpapabaya sa pagtuturo ng mga praktikal na kasanayan sa agrikultura sa mga paaralan ay nagdudulot ng paghihirap sa sektor. Hindi na natin napupukaw ang interes ng bagong henerasyon sa agricultural work.

Ang patuloy na pang-aabuso sa kalikasan at kakulangan sa tamang pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa ay malaki rin ang epekto sa agrikultura. Ang pagkasira ng kalikasan tulad ng deforestation, soil erosion, at pagbabago ng klima ay nagdudulot ng pagbagsak sa ani at productivity ng mga sakahan. Kung hindi ito tutugunan nang maayos, patuloy na mababawasan ang kakayahan ng bansa na mag-produce ng sapat na pagkain para sa mamamayan.

Mahalaga na bigyan ng sapat na pansin at suporta ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Isa itong mabisang paraan upang mabawasan ang kahirapan sa ating bayan. Isa rin itong paraan ng pagtitiyak ng sapat na suplay ng pagkain. Hangga’t hindi pinagtutuunan ng sapat na pansin ang mga hamon na kinakaharap ng agrikultura, patuloy itong magiging isa sa mga sektor na napapabayaan sa bansa. Ang tunay na development o kasulungan, kapanalig, ay yaong uri na niyayakap ang lahat, at walang iniiwan. Alam niyo kapanalig, mababasa natin sa Bibliya at makikita natin gawain ni Kristo na lagi niyang inuuna ang mga walang kapangyarihan at nasa laylayan ng lipunan, gaya ng mga nagtatrabaho sa agricultural sector. Kasama rin ito sa tagubilin ng Catholic Social Teachings- ang preferential option for the poor. Kaya’t sana, dito mismo sa ating bansa kung saan napakarami ng Kristyanong katoliko, makita natin kung paano natin pinapabayaan ang sektor kung saan may pinakamalaking bilang ng naghihirap.

Sumainyo ang Katotohanan.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 11,286 total reads

 11,286 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 35,926 total reads

 35,926 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 96,425 total reads

 96,425 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 116,779 total reads

 116,779 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 197,434 total reads

 197,434 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 297,438 total reads

 297,438 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 35,927 total reads

 35,927 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 96,426 total reads

 96,426 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 116,780 total reads

 116,780 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 197,435 total reads

 197,435 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top