22,127 total views

Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39

Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang salitang Tagalog na MABISA, o TUMATALAB. Ito raw ang pagkakaiba ni Hesus sa mga Eskriba at Pariseo o iba pang mga tagapangaral ng Salita ng Diyos noong kapanahunan niya: “May kapangyarihan ang salita niya.” Ibig sabihin, ramdam nila ang epekto, nakapangyayari, nakapagbabago. Ito ang paanyaya ko na pagnilayan natin ngayon—ang bisa ng Salita.

Kaya siguro naaakit ang marami na lumapit at makinig ang mga tao kay Hesus. Ibang klase ang mga salita niya—nakapagpapaunawa, nakapagpapagaling, nakapagpapalaya. Sa kanyang salitang-tao, naririnig nila ang Salita ng Diyos.

Sa ebanghelyo ni San Juan may mahabang introduction ang manunulat tungkol sa Salita. Sabi niya, “Mula noon pang simula naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos, ang Salita ay Diyos… Ang Salita ay nagkatawang-tao.” Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Hesukristo na Anak ng Diyos. Hindi lang daw siya propeta na tagapagpahayag ng Salita. Siya mismo ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao.

Kaya siguro sa lahat ng nilikha, halaman o hayop, tao lang ang naturuan na magsalita. Tayo daw kasi ay nilikha ng Diyos sa kanyang hugis at wangis. May nagbiro sa akin minsan, sabi niya—meron daw siya alagang ibon na nagsasalita rin parang tao. Siguro ibong myna o parrot. Oo, siguro magagaya ng ibon ang boses ng tao, dahil nakakarinig naman ito at meron ding vocal chords. Kahit nga tinig ng sirena ng ambulansya o bumbero, pwede niyang gayahin. Pero alam natin ang pagkakaiba ng salitang tao. Pwede lang gumaya ang loro sa salitang tao, pero hindi mo pwedeng kausapin ito. Bakit? hindi naman kasi siya nag-iisip.

Ang salita ng tao ay hindi lang iyung sinasabi o binibigkas ng bibig. Kahit wala tayong sinasabi pwedeng mabuo ang mga salita sa utak natin, sa isip natin. Ang salitang binuo sa isip, pwede ring isakatuparan sa gawa. Di ba sinasabi natin sa panatang makabayan, “Ako ay magiging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.”

Pwedeng magkasundo ang mga tao sa pamagitan ng pagpapalitan ng salita at gumawa ng mga bagay na makabubuti. Pwedeng bumigkas ng mga salitang magbibigay ng inspirasyon. Pwedeng magpalitan ng salita ang mga tao at makabuo ang mga planong makapagpapabago at makapagpapaunlad sa buhay natin, sa pamilya, sa kapaligiran o maging sa lipunan. Pwede tayong bumigkas ng mga salitang magbibigay liwanag. Kaya tayo nakakalikha ng maraming bagay, dahil sa kapangyarihan ng ating salita.

Pero kung pwedeng maging mabisa ang salita natin para sa mabuti, pwede ring tumalab ito para sa masama. Magandang paalala ito sa atin—na matindi ang pwedeng maging epekto ng ating mga salita. Pwede nating gamitin para magsinungaling o manlinlang. Halimbawa, pinaniwala ka na listahan ng bibigyan ng ayuda ang pinipirmahan mo, iyun pala inaamyenda na ang konstitusyon. Ano bang klaseng salita iyan? Pwede ring gamitin ang salita para magmura, mang-insulto, mam-bully, manlait. Kahit salita lang pwedeng makasakit ng puso at damdamin. May mga salitang nakakalito, nakakawalang-gana, nakakasira ng loob. May mga salitang nakakagalit at nakakasira ng relasyon ng mga tao sa isa’t isa. Kumbaga sa balahibo ng manok, kapag pinagbubunot mo, hindi mo na maibabalik. O kumbaga sa toothpaste, na kapag pinisil mo at pinalabas mahirap nang ipasok na muli sa lalagyan. Di ba minsan, dahil sa galit o silakbo ng damdamin, may nasasabi tayo na pagsisihan man natin ay hindi na natin mababawi habambuhay?

Sa unang pagbasa, panaghoy ang salitang lumalabas sa bibig ni Job. Dahil sa tindi ng mga pagsubok na pinagdaraanan niya, parang nadidiliman siya. Hindi niya mainitindihan, hindi niya mabigkas, hindi niya makita ang kahulugan ng mga pinagdaraanan niya. Parang ganoon din ang pinagdaanan ng bayang Israel sa maraming pagkakataon sa buhay nila at kasaysayan nang dumanas sila ng mga trahedya. Pero nagsugo ang Diyos sa kanila ng mga propetang nagpahayag ng salitang nagbibigay-liwanag, nagbibigay pag-asa, nagpapalakas ng loob, mabuting balita.

Kaya sinasabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, wala daw siyang karapatan na magmalaki o ipagyabang ang Salita na ipinahahayag niya, dahil hindi naman ito kanya. Ito’y ipinagkatiwala lamang sa kanya. Responsibilidad niya na ipahayag ito, iparamdam ang bisa nito na walang hinihinging kapalit o kabayaran.

Mga kapatid, ito ang good news natin sa araw na ito. Malinaw ang aral: pwede nating ipahiram sa Diyos ang ating mga bibig. Nasabi ito minsan ni San Pablo kay Timoteo: “Ipahayag mo ang Salita napapanahon man o hindi. Gamitin mo sa pagpapaliwanag, sa pagtutuwid ng mga kamalian, sa pagpapalakas ng loob sa mga pinanghihinaan ng pananampalataya…”

Pwedeng magsalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas natin, kung makikinig tayo sa kanya, kung magpapakumbaba tayo at maging bukas sa kalooban niya. Kaya isinugo niya ang Espiritu Santo sa atin, para bigyan ng kapangyarihan ang ating Salita, para gawing mabisa ang ating mga salita para sa makabubuti, makapagpapagaling sa mga may karamdaman, makapagpalakas sa mga nasisiraan ng loob, makapagpapalaya sa mga naaalipin.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 5,068 total views

 5,068 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 10,486 total views

 10,486 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 17,193 total views

 17,193 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 31,993 total views

 31,993 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 38,149 total views

 38,149 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 115 total views

 115 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 499 total views

 499 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 11,459 total views

 11,459 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,291 total views

 10,291 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,277 total views

 10,277 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,276 total views

 10,276 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,279 total views

 10,279 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,281 total views

 10,281 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,284 total views

 10,284 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 13,592 total views

 13,592 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 13,586 total views

 13,586 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 13,587 total views

 13,587 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 13,551 total views

 13,551 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,260 total views

 17,260 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 17,158 total views

 17,158 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top