23,573 total views
Tinulungan ng Caritas Philippines ang walong diyosesis kabilang ang grupong ONE Negros at CEMATATAG upang patibayin ang kanilang mga sub-regional humanitarian response.
Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng Community-led monitoring, Evaluation, Accountability, and Learning (CMEAL) para palawakin ang kasanayan o kaalaman ng mga kawani ng mga Social Action Centers sa pagtugon sa pangangailangan ng kinabibilangang komunidad.
“This built upon previous modules delivered over the past 2 years, including the CI Emergency Toolkit (Needs Assessment, Finance & Procurement, Safeguarding, Camp Coordination & Management, Cash Voucher Assistance), followed by accompaniment and learning sessions, eight dioceses from ONE Negros and CEMATATAG participated, aiming to further strengthen the Sub-Region Humanitarian Cluster. This sub-regional formation aims to enhance humanitarian response strategies and initiatives through structured collaboration, coordination, and resource and capacity sharing,” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines.
Pinatibay din ng CMEAL Program ang mga pagtutulungan sa pagitan ng mga diocesan social action centers at mga dumalong non-government organizations.
Kasabay nito ay muling tiniyak ng Caritas Philippine ang pagpapatuloy ng mga adbokasiya sa buong Pilipinas katuwang ang 85-diocesan social action centers na tinutulungan ang mga pinakanangangailangan sa lipunan sa pamamagitan ng ibat-ibang pamamaraan.
Magugunita na aktibo ang Caritas Philippines sa pakikipagtulungan sa 85-diyosesis upang agad na makatugon sa pangangailangan ng mamamayang masasalanta ng anumang uri ng kalamidad at sektor ng mga pinakanangangailangan.