Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok na makiisa sa ALWASE

SHARE THE TRUTH

 23,115 total views

Muling hinihikayat ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Inc. (LASAC) ang mananampalataya na suportahan ang inisyatibong pagbabawas ng mga gamit at gawing kapaki-pakinabang sa pamamagitan ng pagbabahagi sa higit na nangangailangan.

Ito ay ang ALWASE o Archdiocese of Lipa’s Way of Almsgiving Towards Sanctification and Evangelization na nagmula sa tradisyong Batangueño na ‘alwas’, nangangahulugang paglilipat at paglilinis ng mga gamit upang mapakinabangan ng iba.

Ang inisyatibo ng social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa ay naayon din sa panawagan ngayong Kwaresma upang mag-ayuno, magkawanggawa, at mag-alay kapwa.

Sinabi ni Archbishop Gilbert Garcera sa kanyang liham-sirkular na ang pagpapaubaya sa mga hindi na kailangang ari-arian ay hindi lamang nag-aambag sa kapakanan ng mga nangangailangan, kun’di maging sa kalusugang pangkaisipan ng sarili.

“Participating in ALWASE is an opportunity for us to embody Pope Francis call to “Enlarge the Space of your Tent,” by willingly releasing items we no longer need, we make room for a deeper connection with God, fostering a community marked by compassion, generosity, and the Batangueño spirit of sharing,” saad ni Archbishop Garcera.

Naglabas din ng pastoral exhortation si Archbishop Garcera kaugnay sa programa ng LASAC upang higit na maunawaan at suportahan ang inisyatibong nagpapakita ng Batangueñong pamamaraan ng pag-aalay kapwa.

“Alay Kapwa is no longer just a call for renewal but a spirituality in living our faith as the Church of the Poo. This spirituality led us to be firm in our faith in listening to the voice of God and responding to the cry of the poor,” ayon kay Archbishop Garcera.

Kabilang sa mga gamit na maaaring ipamahagi sa kapwa ay mga tela at damit, mga libro, laruan, furniture o kasangkapan sa tahanan, at food storage containers.

Sa mga nais magbahagi, maaari itong dalhin sa tanggapan ng LASAC sa LAFORCE Building, Marawoy, Lipa City, Batangas o sa mga Ma-lasac-kit Bazaar sa mga parokya at paaralang saklaw ng arkidiyosesis.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa mga numerong 046-404-8057 local 139 o sa 0968-891-5708.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,036 total views

 73,036 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,031 total views

 105,031 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,823 total views

 149,823 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,773 total views

 172,773 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,171 total views

 188,171 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 312 total views

 312 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,392 total views

 11,392 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,500 total views

 6,500 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top