Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 23,298 total views

Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39

Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang salitang Tagalog na MABISA, o TUMATALAB. Ito raw ang pagkakaiba ni Hesus sa mga Eskriba at Pariseo o iba pang mga tagapangaral ng Salita ng Diyos noong kapanahunan niya: “May kapangyarihan ang salita niya.” Ibig sabihin, ramdam nila ang epekto, nakapangyayari, nakapagbabago. Ito ang paanyaya ko na pagnilayan natin ngayon—ang bisa ng Salita.

Kaya siguro naaakit ang marami na lumapit at makinig ang mga tao kay Hesus. Ibang klase ang mga salita niya—nakapagpapaunawa, nakapagpapagaling, nakapagpapalaya. Sa kanyang salitang-tao, naririnig nila ang Salita ng Diyos.

Sa ebanghelyo ni San Juan may mahabang introduction ang manunulat tungkol sa Salita. Sabi niya, “Mula noon pang simula naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos, ang Salita ay Diyos… Ang Salita ay nagkatawang-tao.” Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Hesukristo na Anak ng Diyos. Hindi lang daw siya propeta na tagapagpahayag ng Salita. Siya mismo ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao.

Kaya siguro sa lahat ng nilikha, halaman o hayop, tao lang ang naturuan na magsalita. Tayo daw kasi ay nilikha ng Diyos sa kanyang hugis at wangis. May nagbiro sa akin minsan, sabi niya—meron daw siya alagang ibon na nagsasalita rin parang tao. Siguro ibong myna o parrot. Oo, siguro magagaya ng ibon ang boses ng tao, dahil nakakarinig naman ito at meron ding vocal chords. Kahit nga tinig ng sirena ng ambulansya o bumbero, pwede niyang gayahin. Pero alam natin ang pagkakaiba ng salitang tao. Pwede lang gumaya ang loro sa salitang tao, pero hindi mo pwedeng kausapin ito. Bakit? hindi naman kasi siya nag-iisip.

Ang salita ng tao ay hindi lang iyung sinasabi o binibigkas ng bibig. Kahit wala tayong sinasabi pwedeng mabuo ang mga salita sa utak natin, sa isip natin. Ang salitang binuo sa isip, pwede ring isakatuparan sa gawa. Di ba sinasabi natin sa panatang makabayan, “Ako ay magiging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.”

Pwedeng magkasundo ang mga tao sa pamagitan ng pagpapalitan ng salita at gumawa ng mga bagay na makabubuti. Pwedeng bumigkas ng mga salitang magbibigay ng inspirasyon. Pwedeng magpalitan ng salita ang mga tao at makabuo ang mga planong makapagpapabago at makapagpapaunlad sa buhay natin, sa pamilya, sa kapaligiran o maging sa lipunan. Pwede tayong bumigkas ng mga salitang magbibigay liwanag. Kaya tayo nakakalikha ng maraming bagay, dahil sa kapangyarihan ng ating salita.

Pero kung pwedeng maging mabisa ang salita natin para sa mabuti, pwede ring tumalab ito para sa masama. Magandang paalala ito sa atin—na matindi ang pwedeng maging epekto ng ating mga salita. Pwede nating gamitin para magsinungaling o manlinlang. Halimbawa, pinaniwala ka na listahan ng bibigyan ng ayuda ang pinipirmahan mo, iyun pala inaamyenda na ang konstitusyon. Ano bang klaseng salita iyan? Pwede ring gamitin ang salita para magmura, mang-insulto, mam-bully, manlait. Kahit salita lang pwedeng makasakit ng puso at damdamin. May mga salitang nakakalito, nakakawalang-gana, nakakasira ng loob. May mga salitang nakakagalit at nakakasira ng relasyon ng mga tao sa isa’t isa. Kumbaga sa balahibo ng manok, kapag pinagbubunot mo, hindi mo na maibabalik. O kumbaga sa toothpaste, na kapag pinisil mo at pinalabas mahirap nang ipasok na muli sa lalagyan. Di ba minsan, dahil sa galit o silakbo ng damdamin, may nasasabi tayo na pagsisihan man natin ay hindi na natin mababawi habambuhay?

Sa unang pagbasa, panaghoy ang salitang lumalabas sa bibig ni Job. Dahil sa tindi ng mga pagsubok na pinagdaraanan niya, parang nadidiliman siya. Hindi niya mainitindihan, hindi niya mabigkas, hindi niya makita ang kahulugan ng mga pinagdaraanan niya. Parang ganoon din ang pinagdaanan ng bayang Israel sa maraming pagkakataon sa buhay nila at kasaysayan nang dumanas sila ng mga trahedya. Pero nagsugo ang Diyos sa kanila ng mga propetang nagpahayag ng salitang nagbibigay-liwanag, nagbibigay pag-asa, nagpapalakas ng loob, mabuting balita.

Kaya sinasabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, wala daw siyang karapatan na magmalaki o ipagyabang ang Salita na ipinahahayag niya, dahil hindi naman ito kanya. Ito’y ipinagkatiwala lamang sa kanya. Responsibilidad niya na ipahayag ito, iparamdam ang bisa nito na walang hinihinging kapalit o kabayaran.

Mga kapatid, ito ang good news natin sa araw na ito. Malinaw ang aral: pwede nating ipahiram sa Diyos ang ating mga bibig. Nasabi ito minsan ni San Pablo kay Timoteo: “Ipahayag mo ang Salita napapanahon man o hindi. Gamitin mo sa pagpapaliwanag, sa pagtutuwid ng mga kamalian, sa pagpapalakas ng loob sa mga pinanghihinaan ng pananampalataya…”

Pwedeng magsalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas natin, kung makikinig tayo sa kanya, kung magpapakumbaba tayo at maging bukas sa kalooban niya. Kaya isinugo niya ang Espiritu Santo sa atin, para bigyan ng kapangyarihan ang ating Salita, para gawing mabisa ang ating mga salita para sa makabubuti, makapagpapagaling sa mga may karamdaman, makapagpalakas sa mga nasisiraan ng loob, makapagpapalaya sa mga naaalipin.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 5,464 total views

 5,464 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 20,232 total views

 20,232 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 27,355 total views

 27,355 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 34,558 total views

 34,558 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 39,912 total views

 39,912 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 2,140 total views

 2,140 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 2,174 total views

 2,174 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 3,527 total views

 3,527 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 4,624 total views

 4,624 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 8,846 total views

 8,846 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 4,570 total views

 4,570 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 5,940 total views

 5,940 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 6,201 total views

 6,201 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 14,894 total views

 14,894 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 7,607 total views

 7,607 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 7,739 total views

 7,739 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 8,726 total views

 8,726 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 8,727 total views

 8,727 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 11,481 total views

 11,481 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 15,896 total views

 15,896 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top