Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 172,699 total reads

Kapanalig, napapansin mo pa ba ang mga taong lansangan na nadadaanan mo araw-araw habang papunta ka sa trabaho o paaralan? Nakikita mo pa ba ang kanilang mga sitwasyon, kondisyon, pati kanilang mukha?

Sa mga sidewalks o bangketa, sa tapat ng mga lumang gusali, sa eskinita, makikita natin ang marami nating kapwa Pilipino, kasama ang mga karton na hinihigaan ng kanilang pamilya, o kariton na tinatawag nilang mga tahanan. May mga iba, sa mga lumang buildings sumisilong, pagod, tuliro, at halos wala ng pagasa.

Mahirap bilangin kapanalig, kung gaano karami ang mga mamamayan nating sa lansangan nananahan. May mga datos na nagsasabi na humigit kumulang mga 12,000 ang gumagalang street people sa ating bayan. Pero dahil nga sila ay mobile, mahirap makuha ang eksaktong bilang. Kapanalig, hindi man matiyak, alam nating marami sila. Wala ba tayong magagawa?

Marami sa atin ang natatakot na sila ay lapitan – iniisip natin lagi na baka may mental health issues, baka bayolente sila, baka manakit sila. Pero naisip ba natin kapanalig, na marami sa kanila ay mga taong nawawala, na pinaghahanap din ng kanilang mga pamilya ngunit di na makita o makilala? Naiisip kaya natin na tulad nila, may mga pamilya rin silang naghahanap at naghihintay sa kanila? O hinahanap pa kaya sila ng kanilang kaanak?

Kapanalig, kulang ang dasal at limos kung iyan lamang ang ating ginagawa para sa mga street people. Kailangan dito ng aksyon para naman sila ay maging ligtas. Ang barangay at LGUs kapanalig, ay maaring manguna dito, katuwang ang Department of Social Welfare and Development. Umikot lamang sila at itipon ang mga homeless sa kanilang lugar, linisin, bigyan ng silong, ipanawagan sa kaanak, at tulungan makapagsimula muli, malaki na ang magiging epekto nito. Kaya lamang, siguro, mas nanaig ang takot nating lumapit sa taong grasa kaysa sa pagnanais nating mabago ang buhay niya.

Kapanalig, sana ngayong kwaresma, isa ito sa maging proyekto ng ating mga komunidad. Kongkretong aksyon ang kailangan para sa mga kapwa nating ipinaubaya sa atin ng Diyos para ating alagaan. Dapat natin sanang maunawaan, kapanalig, ang kawalan ng masisilungan ay paglabag sa ating karapatang pantao at niyuyurakan nito ang ating dignidad. Sabi nga sa Gaudium se Spes: All offenses against human dignity, such as subhuman living conditions…all these and the like are criminal: they poison civilization.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 68,246 total reads

 68,246 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,933 total reads

 146,933 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,380 total reads

 180,380 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,677 total reads

 215,677 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,406 total reads

 439,406 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 68,247 total reads

 68,247 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,934 total reads

 146,934 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,381 total reads

 180,381 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,678 total reads

 215,678 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top