Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,427 total reads

Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23

Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya.

Madalas pa ring mangyari ang ganyan kahit sa panahon natin. Noong kasagsagan ng EJK, marami ding nabulag, napipi at nabingi—walang nakita, walang narinig, walang masabi. Kahit alam nila na hindi totoong nanlaban ang mga tinokhang diumano na “drug suspect”, na pinatay talaga sila nang walang kalaban-laban. Sa lugar na dikit-dikit ang mga bahay maraming nakakakita, nakakarinig. Maraming witness na nakakasaksi sa mga pangyayari. Pero bakit sila tumahimik? Siyempre naman, sino ba’ng hindi matatakot na baka balikan sila? Baka pamilya nila ang pag-initan? Pag di na makita ng tao ang pagkakaiba ng tama at mali. Pag nanatiling neutral o ayaw pumanig ng tao sa labanan ng mabuti at masama, alin ang mananalo sa labanan? Natural, edi ang masama. Kaya ang pananatiling neutral sa labanan ng tama at mali ay katumbas na rin ng pagpanig sa masama.

Ito ang ibig sabihin ni Hesus sa salitang, “Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin; ang hindi ko kasamang nagtitipon ay kasamang nagkakalat.” Tinawag ito ni San Ignacio de Loyola na digmaan ng dalawang bandila: the battle between two standards—ang bandila ni Kristo at bandila ni Satanas.

Sa unang pagbasa, ipina-paalala ng awtor kung ano ang kailangan kung ibig natin na manalo sa labanan: makinig daw sa tinig ng Diyos. Ang mga labanan sa buhay ng tao, madalas ay parang larong hampas-palayok (hit the pot). Ang challenge ay kung paano ka makakalapit sa palayok at makakahampas dito habang nakapiring ang iyong mga mata. Maraming boses na sumisigaw sa paligid mo, nakakalito; ang iba sa kanila kusa kang inilalayo sa palayok, kasi hindi naman ikaw kundi ang anak nila ang gusto nilang papanalunin. Ang sikreto, kung ibig mong manalo sa laro ay makinig nang mabuti sa isang tinig lamang, kilalanin mabuti ang boses na ito—boses ng kaibigan, kapatid o ng tatay. Alin sa mga tinig na sumisigaw ang dapat pakinggan, alin ang maglalayo sa iyo sa palayok, at alin ang gagabay sa iyo patungo sa palayok?

Napagaling ni Hesus ang pipi; nabigyang boses ang dating tahimik. Obvious ba kung bakit hindi lahat matutuwa at mayroong magsasabing trabaho ng dimonyo ang ginagawa niya? Pwede talagang pareho lang ang tinitingnan pero iba ang nakikita ng tao. Ang mabuti sa paningin ng ilan ay masama sa paningin ng iba. Ang trabaho ng Diyos para sa ilan ay mukhang trabaho ni Satanas para sa iba, lalo na doon sa mga hindi marunong kumilatis. Sa unang pagbasa, binabatikos ng manunulat ang bayang matagal nang pinalaya sa Egipto pero ugaling alipin pa rin. Kaya nga sa panahon natin, sa social media, ang kasinungalingan ay naipapalaganap bilang katotohanan. Hindi naman lahat marunong kumilala sa pagkakaiba ng information sa disinformation.

Sabi ng Salmo 95, “Kung sa araw na ito ay marinig ninyo ang tinig ng Panginoon, huwag sanang manatiling matigas ang inyong mga puso katulad ng inyong mga ninuno nang sila’y nasa disyerto pa, nang ako’y hamunin at udyukin nila. Matagal kong binatá ang bayang ito, lumilihis ang kanilang mga puso, hindi alam ang aking mga landas, kaya’t sa galit ko’y aking naisumpa, “Hindi sila makapapasok sa aking pahinga. Hindi sila mapapayapa.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,411 total reads

 63,411 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,302 total reads

 142,302 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,747 total reads

 175,747 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,046 total reads

 211,046 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,005 total reads

 435,005 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 15,108 total reads

 15,108 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 20,758 total reads

 20,758 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 20,020 total reads

 20,020 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top