Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,038 total views

Ang Mabuting Balita, 6 Marso 2024 – Mateo 5: 17-19

LAHAT TUNGKOL SA PAG-IBIG

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”

————

Ibinigay ng Diyos kay Moises ang Sampung Utos at saklaw nito ang lahat. Subalit, mula sa orihinal na sampung utos, pinarami ito ng mga Judio sa maliliit na detalye at tinawag itong Kautusan ni Moises. Kaya’t ang utos ng Diyos ay naging napakaselan at mabigat sundin ng mga tao. Napakadali magkasala dahil sa pagka-ignorante sa mga batas na ito. Ipinagmamalaki ng mga eskriba at mga Pariseo na sila ang mga dalubhasa sa Kautusan ni Moises kaya’t lagi silang nakamasid sa kung sino ang lalabag sa mga ito, kabilang na rito si Jesus. Siyempre, si Jesus bilang Anak ng Diyos ang pinaka-dalubhasa sa Sampung Utos at ang mga ito ay ipinaliwanag niya sa mga tao hindi bilang mga batas na dapat katakutan, kundi mga batas na magdadala sa atin sa tamang daan; mga batas na magliligtas sa atin sa demonyo; mga batas na maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan. Kailangan nating alalahanin na ang nagbigay ng Sampung Utos kay Moises ay ang DIYOS NG PAG-IBIG. Samakatuwid, ang kanyang mga batas LAHAT TUNGKOL SA PAG-IBIG.

Ang iyong mga batas, O Panginoon, ay perpekto!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 50,182 total views

 50,182 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 72,248 total views

 72,248 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 87,944 total views

 87,944 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 95,085 total views

 95,085 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 155,560 total views

 155,560 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

OBSTACLES

 4,505 total views

 4,505 total views Gospel Reading for July 01, 2026 – Matthew 8: 28-34 OBSTACLES When Jesus came to the territory of the Gadarenes, two demoniacs who

Read More »

POWERFUL MANIFESTATION

 5,156 total views

 5,156 total views Gospel Reading for June 30, 2026 – Matthew 8: 23-27 POWERFUL MANIFESTATION As Jesus got into a boat, his disciples followed him. Suddenly

Read More »

FIRST CATECHISTS

 5,403 total views

 5,403 total views Gospel Reading for June 29, 2026 – Matthew 16: 13-19 FIRST CATECHISTS Solemnity of Saints Peter and Paul, Apostles When Jesus went into

Read More »

AUTHOR OF LIFE

 4,638 total views

 4,638 total views Gospel Reading for June 28, 2026 – Matthew 10: 37-42 AUTHOR OF LIFE Jesus said to his apostles: “Whoever loves father or mother

Read More »
Scroll to Top