Simbahan, hinamong manindigan sa death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 407 total reads

Umaasa si Kabayan Representative Harry Roque sa gampanin ng mga pari at Obispo na harangin sa Kongreso ang pagpapanumbalik ng parusang kamatayan.

Ayon kay Roque, kinakailangang ipagpatuloy ng ilang mga religious groups at leaders ang pagtutol sa death penalty lalo’t mas kilala sila sa pagsusulong ng moralidad at kahalagahan ng buhay.

Nangangamba rin si Roque na mas lalo pang lalala ang problema sa Oplan Tokhang sakaling maisabatas ang death penalty dahil maari itong magamit na panakot sa mga nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

“Talagang inaasahan po namin na yung ating mga kaparian ay sila naman ay namumuno pagdating sa moralidad ay hindi titinag sa pagtutol dito sa pagbabalik ng death penalty. Nakita naman po natin na itong problema sa Tokhang na mga pulis ay lalong lalala iyan kapag ibinalik ang death penalty dahil ang panakot nila kapag sila ay nakasuhan ng droga ay puwedeng mapatawan pa ng parusang kamatayan.” bahagi ng pahayag ni Roque sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinimok rin nito ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na binubuo ng mahigit pitumpong mga Obispo na paki – usapan ang kanilang mga kongresista sa kanilang nasasakupan na diyosesis na manindigan sa buhay sa ngalan ng kanilang pananampalataya.

“Kinakailangan talaga na i-one on one nila ang kanilang kongresista dahil sa huli ang magbabalik ng parusang ito ay mga kongresista,” giit pa ni Roque sa Veritas Patrol.

Nabatid naman sa record ng Amnesty International na nakapagtala ito noong 2015 ng pinakamataas na bilang ng mga binitay sa loob ng 25 taon na halos 54 porsyento itong mas mataas sa naitala noong 2014 o katumbas ng mahigit 1,600.

Nauna na ring hinimok ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga pari na isama sa kanilang mga homilya o pangangaral ang “culture of life” laban sa “culture of death.”

Patuloy na tinitiyak ng C-B-C-P na kaisa ng administrasyong Duterte ang Simbahan sa kampanya laban sa iligal na droga ngunit mariin nitong tinututulan ang dumaraming bilang ng “death under investigation”.

Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-kaisa-ng-gobyerno-para-labanan-ang-iligal-na-droga/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,059 total reads

 91,059 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,321 total reads

 168,321 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,769 total reads

 201,769 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,069 total reads

 237,068 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,043 total reads

 460,043 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,960 total reads

 298,960 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,678 total reads

 409,678 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top