‘No permit, no exam’, bawal na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 100,429 total reads

Mga Kapanalig, ang pag-aaral ng mga bata ang isa sa mga laging naisasakripisyo kapag dumaranas ng problemang pinansyal ang isang pamilya. Kapag nawalan ng trabaho ang pangunahing naghahanapbuhay sa pamilya o may matinding sakit na dumapo sa isang kamag-anak, nagiging paraan ang pagpapatigil sa pag-aaral ng mga estudyante upang makaraos. Masakit ito sa kalooban ng mga magulang, at malaking dagok para sa mga bata. 

Malimit itong maranasan ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga pribadong paaralan, kung saan sinasabing mas maganda ang kalidad ng edukasyon. Marami sa mga ganitong paaralan ay pinatatakbo ng mga parokya ng ating Simbahan at mga religious orders. Gayunman, ang magandang edukasyon na ito ay may katumbas na malaking halaga. Ang matrikula o tuition fee sa mga pribadong grade school at high school ay maaaring umabot ng hanggang ₱150,000 kada school year. Sa mga pribadong kolehiyo naman, ang average na matrikula ay nasa pagitan ng ₱70,000 at ₱250,000 bawat school year. Hindi pa kasama sa mga halagang ito ang bayad sa mga libro, uniporme, at miscelleneous expenses. 

Dahil nakasalalay ang operasyon ng mga pribadong paaralan sa ibinabayad ng mga estudyante, mahigpit sila pagdating sa mga bayarin. Isa sa mga naging kalakaran na ay ang hindi pagpapa-exam sa mga estudyante kapag hindi sila bayád sa kanilang matrikula, na malalaman kung may maipakikita silang permit para makakuha ng pagsusulit. 

Mababago na ito sa ilalim ng kapapasá lamang na “No Permit, No Exam Prohibition Act” o ang Republic Act No. 11984. Pinirmahan ito ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong ika-11 ng Marso. Umabot din ng limang taon bago naipasá ang naturang batas. Ang principal author nito sa Senado ay si Senador Ramon Revilla Jr, habang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na mas naunang maghain ng ganitong batas, isa sa mga may-akda ay ang ACT Teachers Party-list. Isa nga itong “significant victory for students’ rights and welfare,” ayon Kay ACT Teachers Representative France Castro. 

Saklaw ng batas na ito ang lahat ng paaralan at kolehiyo, pati na rin ang mga technical-vocational schools, na nag-aalok ng tinatawag na long-term courses na lampas sa isang taon. Halimbawa nito ang mga pribadong unibersidad kung saan ang mga estudyante ay may kursong umaabot ng apat hanggang limang taon. Hindi na maaaring i-require ang mga mag-aaral na bayaran muna ang kanilang mga financial obligation bago bigyan ng permit para makapag-exam. Papayagan silang mag-exam basta makapagpapasa sila ng promissory note. Ang mga estudyante namang walang pambayad ng matrikula at iba pang school fees dahil sa mga kalamidad, emergencies, at iba pang “justifiable reasons” ay kailangang kumuha ng certification mula sa DSWD. Ang mga paaralang lalabag sa “No Permit, No Exam Prohibition Act” ay papatawan ng DepEd, CHED, at TESDA ng administrative sanctions.

Magandang balita ito, hindi po ba? 

Sabi nga ng mga mambabatas na nagsulong nito, hindi dapat maging hadlang ang kakapusan sa buhay sa pagkamit ng mga mag-aaral ng edukasyong kailangan nila upang marating ang kanilang mga pangarap. Sang-ayon ang diwa ng batas sa sinasabi ng Evangelii Gaudium, isang Catholic social teaching, tungkol sa edukasyon. Ang edukasyon ay mahalagang sandigan ng “general temporal welfare and prosperity”—o pangkabuuang kabutihan at kaunlaran ng tao. Dapat lamang na kumilos ang mga nasa kapangyarihan na alisin ang mga balakid sa pagkamit ng edukasyon.

Mga Kapanalig, ganito ang mababasa natin sa Mga Kawikaan 9:9: “Matalino’y turuan mo’t lalo siyang tatalino, ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.” Naniniwala tayong bawat isa sa atin—lalo na ang kabataan—ay may karunungang dapat linangin. Ang paglinang dito ay hindi dapat nakasalalay sa kakayahang magbayad para sa mahusay na edukasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 921 total reads

 921 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,562 total reads

 51,562 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,928 total reads

 136,928 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,664 total reads

 183,664 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,535 total reads

 231,535 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,016 total reads

 333,016 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,563 total reads

 51,563 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,929 total reads

 136,929 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,665 total reads

 183,665 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,536 total reads

 231,536 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top