Green Future – Bagong Buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 91,646 total reads

Kapanalig, malapit na ang easter, ang pasko ng pagkabuhay. Sa Western World, kasabay ito ng spring, kung saan namumulaklak at nabubuhay muli ang mga halaman, at lumalabas ulit ang mga hayop na nag-hibernate sa haba ng winter o taglamig. Hudyat ng bagong buhay.

Ang easter kapanalig, ay simbolo ng bagong pag-asa, ng renewal. Ito ay nababalot ng ligaya at liwanag. Ang selebrasyon ng pasko ng pagkabuhay o easter ay dama, hindi lamang sa ating mga ritwal sa simbahan, kundi sa muling pagyabong ng kalikasan.

Kaya lamang, kapanalig, ang pagyabong na ito ng nature o kalikasan ay compromised o namemeligro sa ating panahon ngayon. Ang Green Future o sustainable future ay kay hirap abutin  – parang konsepto at pangarap na lamang na hindi natin maabot o maintindihan. Pero kapanalig, napakalahaga nito, dahil sa sustainable future nakataya ang buhay nating lahat.

Kapanalig, ang sustainable o green future ay ang isyu ng ating henerasyon ngayon na dapat nating harapin para may kinabukasan pa tayong haharapin. Para sa maliit na bansa gaya ng ating bayan, ang pagtitiyak ng green future ay mahirap – kailangang ibalanse ang pangagailangan ng pag-usad ng ekonomiya at ng kalikasan.

Ngayon, nakikita natin ang imbalance sa ating mga syudad. Ang urban planning sa ating mga bayan ay hindi nakasentro o nakafocus sa sustainability. Kitang kita sa ating mga kalye o lansangan, sa ating  mga pampublikong espasyo – urban jungle na ang ating kapaligiran. Kaunti lamang ang green spaces, pati mga ilog at estero natin natabunan na ng basura at kongkreto.

Ang mga pabahay sa ating mga lungsod ay nakaharang sa mga natural na daluyang tubig kaya mabilis na magbaha. Dagdag pa rito ang kawalan ng mga maayos na basurahan. Makikita mo sa sa mga lungsod natin, kaunti lamang ang basurahan kaya’t ang tao, sa kalye ang tapunan.

Maski sa kuryente o power source ng bayan, mabagal ang uptake o pag-gamit natin ng mga renewables. Kaunti pa lamang ang mga investors o namumuhunan ang nagtataya para sa mas malakawang pag-gamit ng renewable energy sa ating bayan.

Sa ating mga sariling bahay, kapanalig, ang pag-gamit natin ng enerhiya at tubig, minsan, parang di nauubos. Tuloy tuloy lamang at walang pagtitipid. Kaunti na rin ang mga green spaces sa maraming mga kabahayan. Ang ating mga dating gardens, garahe na.

Sayang kapanalig, at sa pagdaloy ng panahon, tila nawawalan ng puwang ang kalikasan sa kaunlaran ng mamamayan. Hindi kailangan maging collateral damage ang kalikasan sa economic development. Ang progress, kapanalig, ay hindi kailangang katumbas ng kamatayan ng kalikasan. Ang economic development, kapanalig, ay hindi sustainable, kung hindi sustainable ang ating kalikasan. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si: A technological and economic development which does not leave in its wake a better world and an integrally higher quality of life cannot be considered progress. Frequently, in fact, people’s quality of life actually diminishes – by the deterioration of the environment, the low quality of food or the depletion of resources – in the midst of economic growth.

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,419 total reads

 2,419 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,006 total reads

 54,006 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,372 total reads

 139,372 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,108 total reads

 186,108 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,980 total reads

 233,980 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,361 total reads

 335,361 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,007 total reads

 54,007 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,373 total reads

 139,373 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,109 total reads

 186,109 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,981 total reads

 233,981 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top