MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

SHARE THE TRUTH

 4,131 total views

Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir

Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Juan 12, 44-50

Wednesday of the Fourth Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. Fidelis of Sigmaringen, Priest and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, lumalago at lumalaganap ang salita ng Diyos.

Sina Bernabe at Saulo ay bumalik buhat sa Jerusalem nang maganap na nila ang kanilang tungkulin, at isinama si Juan na tinatawag ding Marcos.

May mga propeta at mga guro sa simbahan sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila’y pinayaon.

Kaya’t bumaba sa Seleucia sina Bernabe at Saulo, na sinugo ng Espiritu Santo, at buhat doo’y naglayag patungong Chipre. Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Kasama nila si Juan Marcos bilang katulong.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

o kaya: Aleluya!

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Hindi kailanman niloob ng Diyos na tayo ay mamatay. Nilalang niya tayo upang mabuhay, subalit pinili natin ang kamatayan. Muli tayong pinagkakalooban ng buhay ni Kristong ating Manunubos kaya lumapit tayo sa ating Ama sa pamamagitan niya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, lumakad nawa kami sa iyong liwanag.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y patuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y tularan ang habag at kabutihan ni Jesus sa pangangalaga sa maging sa kanyang pinakaabang kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mamamayan ng mga mahihirap na bansa nawa’y maakit na lumapit kay Jesus na naging isang dukha para sa ating kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may mabibigat ng pasanin sa buhay nawa’y makadama ng katangi-tanging pag-ibig at pangangalaga ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ng pagmamalasakit na nagmumula sa kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y itaas sa walang hanggang kaligayahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, nasa iyong kamay ang aming buhay. Taglay ang pagtitiwala sa iyong mapagpalang pangangalaga, inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pax Silica

 4,156 total views

Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan ang ating binubuo gamit ang AI—at ano ang magiging kapalit nito? 

Abril ngayong taon nang sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pandaigdigang supply chain para sa AI. Layunin nitong bawasan ang pagdepende sa China, na nangunguna ngayon sa produksyon at pagproseso ng mahahalagang mineral at iba pang materyales na kailangan sa makabagong teknolohiya.

Sa pagsali ng Pilipinas, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 1,620 na ektaryang lupa sa New Clark City sa Tarlac—halos kasinlaki ng Pasay City—para sa kauna-unahang “AI-native industrial acceleration hub.” Doon gagawin ang mga semiconductors na gagamitin naman sa mga computer chips na inilalagay sa mga electronics. Doon din ipoproseso ang mga critical minerals na gagamitin sa paggawa ng mga baterya, semiconductor, at iba pang makabagong teknolohiya. Itatalaga ito bilang isang Economic Security Zone (ESZ) sa ilalim ng joint governance framework na kasalukuyang pang isinasapinal ng Pilipinas at US.

Nitong Hulyo, muling umingay ang usapin tungkol sa Pax Silica matapos ihayag ni Finance Secretary Frederick Go na itinuturing ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na “top priority” ang inisyatiba. Dahil dito, minamadali na nila ang pagbuo ng naturang joint governance framework. Target ng dalawang panig na maisapinal at maisapubliko ito sa ASEAN Summit sa Nobyembre, na inaaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump.

Ayon sa pamahalaan, isang pambihirang pagkakataon ang mapasali sa Pax Silica para makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI. Ipinangako rin nitong hindi lamang lilikha ng libu-libong trabaho at magpapasok malaking kita ang inisiyatiba, kundi maghihikayat din ng mas maraming mamumuhunan, kumpanya, at inobasyon.

Ipinaaalala sa Catholic social teaching ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na ang paggamit ng AI ay hindi “purely technical” lamang. Kapag ang proseso sa likod ng AI ay negatibo nang nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, at kapaligiran, hindi na sumasapat ang anumang pangako na trabaho, pamumuhunan, at inobasyon. 

Pinangangambahan kasi ang negatibong epekto ng mga data centers na kailangan sa AI. Ang mga data centers na nagsisilbing “utak” ng AI ay kailangang palamigin gamit ang hanggang limang milyong galon ng tubig kada araw—katumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng isang munisipalidad na may 10,000 hanggang 50,000 residente! Siyempre, gagamit din ang mga data centers ng maraming kuryente. Kapos na nga tayo ngayon sa tubig at kuryente, heto at aagawan pa tayo ng mga data centers! Dapat itong linawin ng mga nagsusulong ng Pax Silica. 

Lubos na nakababahala rin ang epekto ng AI sa ating likas na yaman. Pinangangambahang lalawak ang pagmimina ng mga critical minerals na kailangan sa paggawa ng mga teknolohiyang nagpapatakbo sa AI. Marami na sa ating mga kabundukan at kagubatan ang nakalbo dahil sa pagmimina. Ibang usapan pa ang paglawak ng mga minahan sa mga lupang ninuno ng ating mga katutubo. Ano pa ang matitira kung lalo pang lalawak ang mga ito?

Mga Kapanalig, paalala sa atin sa Genesis 2:15 na inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa Eden upang ito ay alagaan at pagyamanin. Hindi ipinagkatiwala sa atin ang kalikasan para ubusin, kundi para pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi hadlang sa pag-unlad. Ito pa nga ang nagsisiguro na ang pag-unlad ay makakamit natin. Kaya manindigan tayo para sa isang pag-unlad na may pananagutan sa kalikasan, dahil ang kalikasang winawasak natin ngayon ang siya ring magtatakda ng hangganan ng ating pag-unlad bukas.

Sumainyo ang katotohanan.

SINCE THE BEGINNING

 6,423 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 6,782 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pax Silica

 4,157 total views

 4,157 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 47,485 total views

 47,485 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 162,831 total views

 162,831 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 191,124 total views

 191,124 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 236,856 total views

 236,856 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 30, 2026

 544 total views

 544 total views Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Crisologo, obispo at pantas ng Simbahan Jeremias 18, 1-6 Salmo

Read More »

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 2,346 total views

 2,346 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 4,170 total views

 4,170 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 5,552 total views

 5,552 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 6,431 total views

 6,431 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top