Mamamayan, hinamon ng Obispo na kumilos para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,486 total reads

Nananawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mamamayan na paigtingin ang pangagalaga sa kalikasan upang maibsan ang epekto ng climate change sa ekonomiya at pinakamahihirap sa lipunan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang mga mahihirap ang direktang apektado ng mga sakuna at kalamidad na dulot ng climate change na sanhi ng kapabayaan ng tao sa kalikasan.

“Kapag nasisira ang kalikasan, dumadating po ang malalakas na bagyo ay maraming pagkasira, kaya ang hanapbuhay ng mga tao ay nasisira, kaya kung mahabang pag-ninilayan natin ang pangangalaga sa kalikasan, dapat iniisip natin na ang kalikasan ay nakakatulong din sa ekonomiya,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Nilinaw ng Obispo na bunsod ng mga kalamidad dulot ng climate change ay nasisira ang mga negosyo at establisyemento na nagdudulot ng pagkalugi sa mga negosyante maging sa ekonomiya ng bansa.

Umaapela ang Obispo sa mamamayan ang palawakin ang kaalaman at kumilos para protektahan at pangalagaan ang kalikasan.

“kaya kapag nasira po ang kalikasan, ang una pong mapipinsala ay ang mga tao, dumadating ngayon ang tag-init kaya maraming mga magsasaka ay hindi na makatanim, kung minsan dumadami ang malakas na ulan at nagdudulot ng baha tulad nang nangyayari ngayon sa UAE sa Saudi Arabia, sa Dubai na binabaha sila, malaking damage sa ekonomiya ang nangyare,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Una naring nakiisa ang Caritas Philippines, Diyosesis ng Kalookan at Ecoconvergence sa mga mangingisda na maapektuhan ng Manila Bay Reclamations Projects dahil sa banta ng tuluyang pagkawala ng kanilang kabuhayan sa pangingisda.

Patuloy naman sa pagkilos ang simbahang katolika katuwang ang iba’t-ibang makakalikasang grupo sa paggawa ng mga programa para mapangalagaan ang kalikasan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 5,429 total reads

 5,429 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 25,988 total reads

 25,988 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 89,403 total reads

 89,403 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 174,769 total reads

 174,769 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 221,505 total reads

 221,505 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 269,379 total reads

 269,379 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 368,931 total reads

 368,931 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 25,990 total reads

 25,990 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top