Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,184 total reads

Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng kalipunan ng mga Obispo sa naganap na 127th plenary assembly noong Enero 2024 ang pagdeklara sa Good Shepherd Sunday hanggang Solemnity of the Sacred Heart of Jesus bilang Good Governance Month sa bansa.

“The CBCP as a Conference has approved last January 2024 Plenary Assembly, and declared the period from Good Shepherd Sunday to the Solemnity of the Sacred Heart of Jesus as Good Governance Month. In view of this, Caritas Philippines has released a Pastoral Statement on the Feast of the Good Shepherd, April 21, 2024. It is expected that this Pastoral Statement will be read during this coming Sunday’s homily in all churches of our dioceses. This signals the start of the Good Governance Month. Also included for our perusal during this month is a Prayer for Peace and Social Transformation.” panawagan ni Bishop Alminaza.

Ibinahagi ng Obispo na layunin ng idineklarang Good Governance Month na higit na maisulong ang maayos, matapat at marangal na pamamahala ng mga lider partikular na ng mga halal na opisyal ng bansa.

Bahagi ng panalangin na nakapaloob sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ ang paggabay ng Banal na Espiritu sa mga opisyal ng bayan upang tuwinang isabuhay ang paglilingkod ng dalisay at tapat para sa kabutihan ng mas nakararami o ng common good.

Una ng iginiit ng Caritas Philippines na ang mga tunay na opisyal na lingkod bayan ay maituturing din na pastol ng lipunan na dapat magprotekta at mangalaga sa kanyang kawan mula sa anumang kawalang katurungan at pang-aabuso o paglapastangan.

Nagsimula ang Good Governance Month sa paggunita ng Good Shepherd Sunday sa bansa noong ika-21 ng Abril, 2024 na magtatagal hanggang sa Solemnity of the Sacred Heart of Jesus na nakatakda naman sa ika-7 ng Hunyo, 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,446 total reads

 45,446 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,811 total reads

 130,811 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,547 total reads

 177,547 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,419 total reads

 225,419 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,268 total reads

 327,268 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top