Kuryente at kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,635 total views

Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon na maaaring gamitin ng mga manloloko at masasamang-loob.)

Kung hindi man sa social media, usap-usapan sa mga umpukan ng mga magkakapitbahay ang natanggap nilang bill ng kuryente. Pataasan sila ng babayaran, sabay tanong kung saan kaya sila kukuha ng ipambabayad kapag dumating na si “Judith”—o ang due date. Nakalulula naman kasi ang bill sa kuryente ng marami sa atin nitong nakaraang buwan. Sa tindi kasi ng init, halos maghapon at magdamag na ang gamit ng aircon ng mga may aircon. Pinagsasabay-sabay na rin ang mga electric fan. Ayon sa Meralco, ang pangunahing distributor ng kuryente dito sa Metro Manila, ang mataas na presyo ng kuryente nitong nakaraang buwan ay dahil tumaas din ang transmission charge, generation charge, at iba pang buwis. 

Idinadaan ng ilan sa atin sa katatawanan ang mataas na presyo ng kuryente. Ang biruan nga noon ng mga may aircon, “aircon now, pulubi later.” Ito na nga ang nangyari, at baka magpatuloy pa ito dahil matindi pa rin ang init ng panahon. Asahan daw na hanggang Hunyo ang mataas na electric bill. 

Ang hindi natin lubusang nauunawaan, ang mataas na demand natin sa kuryente ay nangangahulugan ng lalong paglaki pa ng pagdepende natin sa fossil fuels. Kabilang sa fossil fuels ang coal, petrolyo, at gas—lahat ito, ginagamit para lumikha sa mga power plants ng kuryenteng dumadaloy sa mga kable hanggang sa makarating sa ating mga tahanan. Ang problema, may masamang epekto sa kalikasan ang usok mula sa mga power plants na gumagamit ng fossil fuels. Kapag sinusunog ang fossil fuels, naglalabas ang mga ito ng mga greenhouse gases. Ang greenhouse gases na ito ay napupunta sa himpapawid at pumipigil sa init ng daigdig na lumabas pabalik sa kalawakan. Ang resulta, nakukulob tayo sa init at iniiba nito ang ating klima. Ito ang tinatawag na climate change.

Sa Pilipinas, pinakamalaking pinagkukunan ng enerhiya o kuryente ang coal. Ang kuryenteng mula sa mga power plants na gumagamit ng fossil fuel na ito ay bumubuo sa halos 44% ng tinatawag na energy mix. Malayong-malayo ito sa kuryenteng nililikha gamit ang mga mas malinis na mapagkukunan ng kuryente (o renewable sources) gaya ng hydro o solar. Ang ambag ng hydro o enerhiyang galing sa tubig ay nasa 13.4% lamang, habang ang solar o enerhiyang mula sa init ng araw ay nasa 5.8% lamang. Nasa 1.5% naman ang mula sa wind energy. 

Sa uri ng pamumuhay na mayroon tayo ngayon—kung saan napakalaki ng pagdepende natin sa kuryente—maging masigasig sana ang gobyerno at iba pang nasa sektor ng enerhiya na bawasan ang paggamit ng mga fossil fuels. Kung magpapatuloy pa kasi ito, mas titindi ang pag-init ng ating planeta na magdadala naman ng mas mapanganib na panahon ng tag-init, gaya ng nararanasan natin ngayon. “Highly polluting fossil fuels need to be progressively replaced without delay,” panawagan nga ni Pope Francis sa ensiklikal niyang Laudato Si’. 

Mga Kapanalig, sa ngayon, ang pangunahing alalahanin natin marahil ay kung paano babayaran ang napakalaking bill natin sa kuryente. Pero pakaisipin din sana nating kapalit ng mataas na pagkonsumo natin ng kuryente ay ang pinsalang dulot sa ating kalikasan. Ang labis na paggamit ng fossil fuels ay, gaya nga ng ipinahihiwatig sa Mga Bilang 35:33, “[pagdungis sa] lupaing [ating] tinitirhan.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,868 total views

 56,868 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,737 total views

 52,737 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,939 total views

 88,939 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,334 total views

 97,334 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,915 total views

 121,915 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,869 total views

 56,869 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,738 total views

 52,738 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,940 total views

 88,940 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,335 total views

 97,335 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »
Scroll to Top