Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,281 total reads

Homily May 12, 2024
Ascension Sunday
World Communications Sunday Mother’s day

Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20

Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na dadalaw sa atin at malungkot tayo pag-alis niya. Masaya tayo sa pagdating ng bagong anak at malungkot naman tayo pag-umalis na siya para mag-aral sa malayong paaralan. Ganoon din sa ating Panginoong Jesus, masaya tayo pagdating niya sa pasko – naging tao ang Diyos at kasama na natin siya, pero bilang tao, aalis din siya. Babalik siya sa kanyang pinanggalingan. Ngayong araw inaalaala natin ang kanyang pag-akyat sa langit. Galing siya sa langit at babalik siya roon. Noong siya ay umaakyat sa langit, sinusundan siyang ng mga mata ng kanyang mga alagad. Nakatingala sila, kahit na siguro hindi na nila siya nakikita. Maaaring nalungkot din sila. Kaya may dalawang anghel na tumabi sa kanila na nagsabi: “Bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong umakyat siya.” Huwag kayong malungkot. Babalik uli siya.

Hindi tayo masyadong malulungkot kung ang pagtutuunan natin ng pansin ay hindi na wala na siya kundi may pinagagawa siya sa atin. May iniwan siyang misyon sa atin: “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Magandang Balita.” Ang ibig sabihin nito ay “Kayo’y maging saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Habang nag-aantay tayo sa kanyang muling pagdating, ipakilala natin siya sa buong mundo upang matanggap ng lahat ang kaligtasan na kanyang ginawa para sa atin.

Babalik uli si Jesus upang kaunin tayo patungong langit. Kaya ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay nagbibigay sa ating ng pag-asa. Kung nasaan siya ngayon, duroon din tayo. Palakasin natin ang ating tiwala at pag-asa. Binibigay niya sa atin ang walang hanggang kapangyarihang inilaan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Hindi tayo makamundo; makalangit tayo. Nauna na siya doon.
Nakaluklok siya sa kanan ng Ama, na ang ibig sabihin ay palagi niya tayong ipinapakiusap sa Ama. Wala na siya sa tabi natin pero alam niya ang nangyayari sa atin at ginagabayan niya tayo mula sa langit. May napakamakapangyarihang tagapamagitan tayo sa Diyos Ama, si Jesukristo. Dahil sa naging tao siya at dala niya ang ating pagkatao, makakaasa tayo na tinutulungan niya tayo mula sa langit. Kaya hindi naman talaga tayo iniwan ni Jesus noong siya ay umakyat sa langit. Ang kanyang concern ay nasa atin pa rin. Hindi niya tayo pinabayaan. Nababahala pa rin siya sa atin at tinutulungan pa rin tayo.

Sinabi niya sa mga alagad bago siya umakyat sa langit: “Bibigyan ko kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo.” Ang kanyang Espiritu, na walang iba kundi ang kanyang kapangyarihan, ay iiwan niya sa atin upang siya ang gagabay sa atin at magpapalakas sa atin sa paggawa ng misyon na iniwan niya at upang matagpuan natin siya sa muling pagdating niya. Talagang Mabuting Pastol si Jesus. Hindi niya tayo basta nalang iniwan. Iniwan rin niya sa atin ang kapangyarihang kailangan natin hanggang sa pagbabalik niya.

May misyon nga tayo hanggang sa pagdating niya. Ipakilala natin siya at ang kanyang gawaing pagliligtas sa lahat ng tao. Dahil dito taon-taon ang kapistahan ng Pag-akyat ni Jesus sa langit ay ang World Communication’s Sunday. Sa Linggong ito ipinagtutuunan natin ng pansin ang pamamahayag, ang komunikasyon, ang pagpapaabot. Ano ang ipinaaabot natin? Ang Balita ng Kaligtasan. Ito ang ikino-communicate natin. Mas lalong napapabilis at napapalakas ang pamamahayag dahil sa teknolohiya natin ngayon: nandiyan ang print, ang radio, ang telebisyon, ang cell phone, ang social media. Ang bilis kumalat ng balita at ang lawak ng naaabot nito. Pero anong klaseng balita ba ang natatanggap natin at napapakalat natin? Napag-iisa ba tayo ng komunikasyon o mas lalong napaghihiwalay? Nalalapit ba ang mga tao sa katotohanan o mas lalong nalilinlang ng kasinungalingan? Nasa kamay po natin ang komunikasyon. Maaari itong maging instrumento ng kabutihan o ng kasamaan.

Hindi lang tayo nakakatanggap ng balita; tayo ay tagapagbalita na rin. Sana po magamit natin ang mga ito para sa kabutihan. Dahil sa komunikasyon mas napag-iisa tayo at natutulungan tayong magpakatao. Pero dahil din sa communication maaaring magkaaway-away tayo at magkaroon ng masamang pagtingin sa iba. Gamitin po natin ang mahalagang technology na ito para sa kabutihan at para ipalaganap ang Magandang Balita ng kaligtasan.

Ngayong Linggo ay ang ikalawang Linggo ng buwan ng Mayo. Ito ay Mother’s Day. Taon-taon kinikilala natin ang kahalagahan ng ating nanay. Dumating tayo sa mundo sa pamamagitan ng ating nanay. Siya ang pinakamalapit na tao sa atin sa mundo. Magpasalamat tayo na kinalinga niya tayo upang mabuhay. Hindi ito madali sa kanya. Alam natin na ngayon ay may mga nanay na hindi hinahayaan na mabuhay ang kanilang anak. Dumaan muna tayo sa kanyang sinapupunan bago natin nakita ang liwanag ng mundo. Naramdaman natin ang tibok ng kanyang puso bago natin narinig ang anumang ingay sa mundo. Sa araw na ito ipadama natin ang ating pag-ibig sa nanay natin. Kung buhay pa siya sabihin natin sa kanya ang tatlong mahahalagang salita: I love you, I am sorry, thank you. Kung wala na siya sa ating piling at sumakabilang buhay na siya, sabihin pa rin natin sa ating panalangin sa kanya: I love you, I am sorry, thank you. Ipagdasal natin sa Diyos na balang araw magkakasama uli tayo ng wala nang hiwalayan sa tahanan ng ating Diyos Ama sa langit kung nasaan na ngayon ang ating Panginoong Jesus.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,902 total reads

 1,902 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,182 total reads

 53,182 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,548 total reads

 138,548 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,284 total reads

 185,284 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,155 total reads

 233,155 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,572 total reads

 334,572 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 25, 2026

 1,487 total reads

 1,487 total reads 30th Sunday in Ordinary Time Cycle A Prison Awareness Sunday Ex 22:20-26 1 Thess 1:5-10 Mt 22:34-40 Naghahanap ang mga komokontra kay Jesus

Read More »

Homily October 18 2026

 11,349 total reads

 11,349 total reads 29th Sunday in Ordinary Time Cycle A World Mission Sunday Sunday for Cultures Is 45:1.4-6 1 Thess 1:1-5 Mt 22:15-21 Kaunting kasaysayan lang.

Read More »

Homily October 11, 2026

 19,116 total reads

 19,116 total reads 28th Sunday in Ordinary Time Cycle A Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14 Kasaganaan! Iyan

Read More »
Scroll to Top