Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,472 total views

WALANG ISAHAN

Homily for Thu of the 7th week of Easter, 16 May 2024, Jn 17:20-26
Totoong importante ang “unity” o pagkakaisa. Pero ang importanteng punto ng ating mga pagbasa ngayon ay ito lang: “Hindi lahat ng pagkakaisa ay mabuti.”
Ito ang palaisipan tungkol sa alamat ng Tore ng Babel sa Bibliya, di ba? Nagkakaisa daw ang mga tao noong unang panahon dahil iisang linggwahe lang ang salita nila. At pinagkaisahan nilang magtayo ng Tore na abot hanggang langit. Isang toreng sumisimbolo sa hangarin ng tao na mag-Diyos-Diyosan, na lampasan ang langit sa karunungan. Dahil mali ang pinagkakaisahan, binuwag daw ng Diyos.

Hindi ba pinagkaisahan din ng mga anak ni Jacob ang inggit at galit nila kay Joseph, kaya ibinenta ang sariling kapatid bilang alipin sa mga biyaherong patungong Egipto?
Sa unang pagbasa, nakita agad ni San Pablo na mababaw ang pagkakaisa ng mga Saduseo at Pariseo. Pinagkaisahan nila ang hangarin na mahusgahan siya ng parusang kamatayan sa Sanhedrin. Parang bombang pinasabog ni San Pablo ang tungkol sa doktrina tungol sa muling pagkabuhay na alam niyang sanhi ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo. Ayun, nagkawatak-watak sila.

Sa ebanghelyo, narinig natin ang panalangin ni Hesus para sa mga alagad niya, at para sa ating lahat na maniniwala sa patotoo nila. Panalangin ito para ating ikapagkakaisa—na upang maging matibay ito, dapat walang ibang maging pundasyon kundi ang pagkakaisa mismo ng Ama at Anak sa buklod ng Espiritu Santo. Sa pagkakaisang ito—doon tayo inilublob nang tayo’y mabinyagan.
Ito rin ang madalas sabihin ni Pope Francis tungkol sa pagiging simbahang sinodal. Na hindi lang ito tungkol sa pakikilakbay natin sa isa’t isa, kundi sa pakikilakbay ng Diyos sa atin upang maturuan niya tayong makilakbay nang tama sa isa’t isa.

Malapit na ang Pentekostes. Ang regalong bababa sa sangkatauhan na dulot ng pag-akyat ni Kristo sa langit. Siya lang ang magbubuklod sa tao at papawi sa sumpa ng Tore ng Babel. Siya ang magbubukas sa ating mga puso at isip upang sa ating pakikipagkapwa ay isilang ang buklod na tunay at matibay na pagkakaisa ng kanyang mga alagad at sugo.

Iyung palang slogan na walang iwanan ay dapat sabayan ng slogan na walang isahan. Hindi tunay ang kaisahan kung imbes na pagkakaisa, ito ay nauuwi sa isahan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 2,262 total views

 2,262 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 45,870 total views

 45,870 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 130,582 total views

 130,582 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 147,724 total views

 147,724 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANG SUGO AT NAGSUGO

 9,927 total views

 9,927 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 13,803 total views

 13,803 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »

COMMUNION

 14,320 total views

 14,320 total views Homily for the Coronation Feast of Our Lady of the Rosary of Manaoag, 19 April 2026 – 3rd Sunday of Easter (Lk 24:13–35)

Read More »

ANG KABALINTUNAAN NG KRUS

 21,259 total views

 21,259 total views Biyernes Santo 2026 – Jn 18:1–19:42; 1 Cor 1:18–25 Mga kapatid, bago tayo magbigay-pugay sa Krus, inaanyayahan ko kayong samahan akong magnilay tungkol

Read More »
Scroll to Top