Paglago ng Artificial Intelligence

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 95,836 total reads

Maraming inobasyon at modernong teknolohiya ang nagdadala ng malawakang pagbabago sa job landscape hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ngayon. Malaking hamon ito sa mga bansang gaya sa atin na nangangailangan ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa maraming mamamayan.

Isa ngang halimbawa ngayon ay ang mabilis na paglaganap ng artificial intelligence o AI. May mga nagsasabi nga na ito ay tila isang industrial revolution na naman na napakalawak ng sakop at impluwensya sa ating global na lipunan at ekonomiya. Marami nga ang natatakot na mapalitan o maging obsolete ang trabaho dahil sa AI, lalo pa’t tinatayang mga 60% ng mga trabaho sa mga nangungunang ekonomiya ay exposed sa AI.

Ngayong lumalaganap ang AI sa buong mundo, handa ba ang Pilipinas dito?

Kailangan natin makita bilang isang oportunidad, hindi banta, ang pag-usbong ng AI. Makakatulong ito sa maraming Pilipino hindi lamang para sa trabaho, kundi para sa inobasyon. Kailangan natin ng ilang mga hakbang upang ma-adopt na ito ng maraming mga industriya sa ating bansa. Una rito ay ang edukasyon at pagsasanay. Maganda sana na maisama ito sa kurikulum ng ating mga mag-aaral mula elementarya pa lamang para sa murang edad, gamay na gamay na nila ito at magagamit para sa pagpapalalim pa ng kaalaman at paglilinang ng kasanayan.

Kailangan din na maihanda ang imprastraktura. Integral sa AI ang mabilis na internet speed. Kaya’t kung nais natin na mabigyan ng oportunidad ang mga mamamayan sa remote areas ng bayan, kailangan maka-abot sa mga geographically disadvantaged areas ang reliable internet connection.

Kapanalig, kailangan din natin palakasin ang ating mga sariling ahensya at mga kumpanya na nangunguna sa pagpapaunlad ng AI sa bansa. Mainam na mabigyan sila ng suporta at incentive sa pagsulong ng AI research and development sa bansa.

Kapanalig, ang mga teknolohiya gaya ng AI ay maaaring magamit ng bayan upang magsulong ng kaunlaran, lalo na sa mga pinakamahirap sa atin. Pero lagi nating pakatandaan, base na rin sa pahayag ni Pope Francis sa Laudato Si: Kailangan natin tiyakin na anumang technological and economic advancement ay dapat gamitin para sa ikakabuti ng ating mundo. Kailangan nating tiyakin na ang teknolohiya ay para sa mas magandang kalidad ng buhay para sa lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,130 total reads

 63,130 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,032 total reads

 142,032 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,477 total reads

 175,477 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,775 total reads

 210,775 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,755 total reads

 434,755 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 63,131 total reads

 63,131 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,033 total reads

 142,033 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,478 total reads

 175,478 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,776 total reads

 210,776 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top