SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,168 total views

Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.
Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa.
Pagbabahagi ng Laiko, sa halip na isabatas ang diborsyo sa Pilipinas ay mas dapat na patatagin ang samahan ng bawat pamilya sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng isang matatag at masaganang lipunan.
Bukod sa pagkakaroon ng sapat na paraan upang magabayan ang mga mag-asawang humaharap sa pagsubok sa buhay, ay naniniwala din ang Laiko na mahalaga rin ang pagkakaroon ng naaangkop na paghahanda ng mga mag-iisang dibdib para sa pagharap sa buhay mag-asawa.
“Sangguniang Laiko ng Pilipinas says NO TO DIVORCE. We believe in the sanctity of marriage. We believe in preparing the couple before marriage. We believe in supporting the married couple throughout their married life. We believe that there is a need for strong families, as such families are the backbone of Philippine society. We believe that the current remedies for struggling marriages are enough.” Bahagi ng pahayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Itinuturing namang isang hamon ng Laiko ang higit na pagpapalaganap ng kaalaman sa bawat binyagang Katoliko kaugnay sa kasagraduhan ng kasal at iba pang paninindigan ng Simbahang Katolika sa mga usaping panlipunan.
Iginiit ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na mahalagang maunawaan ng bawat isa ang negatibong epekto na maidudulot ng diborsyo sa lipunan kabilang na ang pagkasira ng pamilya at epekto ng magkahiwalay na magulang sa mga kabataan.
“We believe that we must strengthen the knowledge of the lay faithful regarding marriage, and other Catholic stands. We read a lot of posts, and see memes online, but really all we need to do is look at the world and see what damage divorce has done. Especially how the children suffer. Multiple marriages. Broken families. Morally lacking society. We do not want that to happen to the Philippines. We stand for solid marriages. We stand for strong families. We stand for a society with good values.” Dagdag pa ng SLP.
Sa kasalukuyan tanging ang Pilipinas na lamang ang natatanging bansa sa buong daigdig bukod sa Vatican na walang umiiral na batas na nagpapahintulot ng diborsyo matapos na gawin na ding legal sa bansang Malta ang diborsyo noong taong 2011.
Matatandaang ika-22 ng Mayo, 2024 ng kuwestiyunableng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 8,344 total views

 8,344 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 17,708 total views

 17,708 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 44,164 total views

 44,164 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 94,566 total views

 94,566 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 99,587 total views

 99,587 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top