Department of Education, pinuri ng mga guro sa condom ban sa mga paaralan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 652 total views

Sinusuportahan ng Teachers Dignity Coalition ang naging desisyon ng Department of Education na ipagbawal ang pamamahagi ng condoms sa mga paaralan.

Ayon kay Benjo Basas, pangulo ng TDC, naninindigan at tumututol ang mga guro sa probisyon na isinusulong ng Department of Health na pamimigay ng condoms sa mga paaralan.

Iginiit ni Basas na kailanman ay hindi matutuldukan ng ganitong mungkahi ang teen pregnancy at ang pagtaas ng kaso ng HIV sa mga kabataan.

“We welcome the decision of Sec. Briones not to allow our schools to become distribution centers of DOH’s condoms. We reiterate that giving away condoms in schools would not resolve teen pregnancy problem and HIV cases among the youth.” bahagi ng pahayag ni Basas sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala sa datus ng DOH mula Hulyo hanggang Oktubre ng 2016 nakapagtala ito ng mahigit tatlong libong bagong kaso ng HIV sa bansa na dumadagdag sa mahigit 38 libong naitalang kaso ng naturang sakit simula pa taong 1984.

Nauna na ring iminungkahi ni dating CBCP – President at Lingayen Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz na mas maganda lamang bigyan ng responsible parenting seminar ang mga magulang lalo na ang mga napapabilang sa PTA o Parent Teacher Association sa tamang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

“Dapat ang gawin ng mga paaralan bigyan ng seminar ang mga magulang lalo na at may asosasyon naman sa mga paaralan tulad ng PTA o Parent Teacher Association at doon ilatag ang tamang paggabay sa mga bata. Hindi ang pamamahagi ng condom na magpapalala lang ng kaso ng pre – marital sex.” giit ni Archbishop Cruz sa Radyo Veriras.

Mariing nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care na sagipin ang mga kabataan sa “culture of death” tulad ng condom distribution sa mga paaralan na ipinipilit ng DOH.

Read: http://www.veritas846.ph/kabataan-sagipin-sa-culture-death/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 54,044 total views

 54,044 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 54,044 total views

 54,044 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 54,044 total views

 54,044 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 52,410 total views

 52,410 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 47,877 total views

 47,877 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 194,173 total views

 194,173 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top