Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,102 total reads

Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Pagbabahagi ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, bukod sa pananalangin para sa maayos at matuwid na pamumuno ay mahalaga ring ipagdasal ang mga opisyal ng Simbahan upang patuloy na magsilbing gabay sa pagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Kasabay ng taunang paggunita ng Araw ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng bansa tuwing ika-12 ng Hunyo ay ipinapanalangin din ni Bishop Florencio ang patuloy na paggabay sa bansa upang malagpasan ang mga kinahaharap na suliraning panlipunan at relasyon sa iba’t ibang mga bansa.

“Greetings to my beloved Philippines as she celebrates Independence Day. I pray that Our Almighty Father to bless our beloved country as she faces today herculean challenges both locally and internationally. I pray also that we the constituents of the Philippine Republic be blessed as well so as to rally behind our leaders both the government and the ecclesiastical leaders for the betterment of our country and not just few people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Ipinaalala ng Obispo ang kahapagahan ng pagbabalik loob at pagpapakumbaba sa Panginoon upang masumpungan ang biyaya ng Banal na Espiritu para sa bansa.

“Send your Holy Spirit upon us oh Lord so that together we renew our community and our country with much humility and love so that this beloved country might be a better place to live. We shall proclaim to the whole world that you are our Father and Lord. Mabuhay ang Pilipinas.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Tema ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ngayong taong 2024 ang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” na layuning isulong ang pagbabalik-tanaw ng bawat mamamayan sa kasaysayan ng bansa bilang gabay at aral sa kinabukasan ng Pilipinas.

Ang Araw ng Kalayaan ay taunang ginugunita sa Pilipinas tuwing Hunyo 12 alinsunod na din sa Republic Act No. 4166 na nilagdaan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal noong August 4, 1964 upang alalahanin ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 4,474 total reads

 4,474 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 46,310 total reads

 46,310 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 80,437 total reads

 80,437 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 136,843 total reads

 136,843 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top