Pagtanda ng ating Populasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 68,978 total reads

Kapanalig, sa ibang bansa, ang retirement mula sa trabaho ay isang kapana-panabik na yugto ng buhay ng isang tao. Ito yung panahon ng pagpahinga, ng pag-eenjoy ng mga bunga ng pinaghirapan ng nakaraang mga dekada.

Sa ating bayan, parami ng parami ang mga mamamayan na nasa retirement age na o papalapit na dito. Ayon nga sa Commission on Population Education, maituturing ng aging population ang ating bansa pagdating ng 2030. Dumadami na ang mga Pilipinong may edad 60 pataas.

Handa ba tayo para dito?

Kapatid, kung titingnan natin ang estado ng social protection at pension programs sa ating bansa, hindi pa ready ang ating bayan sa transition tungo sa pagiging aging society. Kung titingnan din natin ang health care costs para sa elderly health care needs, marami pa tayong kailangang gawin upang maging abot-kaya ito para sa ating mga nakatatandang mamamayan.

Kaya nga’t ang aging ay source of insecurity ng maraming mga mamamayan. Sabay kasi ng samut-saring pagbabago sa katawan ng tao, ay ang pagliit din ng kita nito, lalo na kung walang naipon o inihandang retirement benefits.

May isang pag-aaral nga na nagsasabi na ang mga seniors natin ay mababa ang income at mababa din ang assets, kaya’t marami ang nagnanais na magtrabaho kahit pa nasa retirement age na. Mga apat sa sampung respondents ng pag-aaral na ito ang nagsasabi na ang household income nila ay sapat lamang para sa kanilang gastusin. Kapag nabawasan pa ito ng retirement, bitin na.

May mga maswerteng seniors na nakakapagpundar ng ari-arian, gaya ng bahay at lupa. Liban dito, mga 6% lamang sa kanila ang mga bank accounts, 12% ang may personal na cash, at mga 11% ay may real estate. Mga 15% naman sa kanila ay may liabilities o pagkakautang.

Kapanalig, malinaw na kailangang maghanda ng bayan para sa transition ng aging population sa ating bansa, na magsisimula na ng 2030 – anim na taon mula ngayon. Marami ng hinaing ang mga seniors natin dati pa, at hanggang ngayon ay hindi ito napapansin. Mga ehemplo nito ay ang mababang pension, na ayon sa seniors ay hindi pa sapat para sa kanilang pangangailangan, mga oportunidad at trabaho na angkop sa kanilang edad, at ang affordable health care.

Kailangan nating bigyan ng agarang atensyon ito bago pa mahuli ang lahat. Isa ito sa mga hamon na babago sa social landscape ng ating bayan, at kung hindi natin ito malalapatan ng angkop na solusyon, magpapatong patong ang problema ng bayan, na magtutulak pa sa mas maraming kabahayan sa karalitaan. Sabi nga ni Pope Francis noong Setyembre 2014, sa kanyang pakikisalamuha sa mga elderly sa St. Peter’s Square: ang old age ay “a time of grace.” Nagbabala din siya na walang future o kinabukasan ang mga lipunan na hindi nangangalaga sa kanilang mga seniors.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 4,254 total reads

 4,254 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 46,107 total reads

 46,107 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 80,234 total reads

 80,234 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 136,640 total reads

 136,640 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 4,255 total reads

 4,255 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 46,108 total reads

 46,108 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 80,235 total reads

 80,235 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 136,641 total reads

 136,641 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top