LINGGO, HULYO 7, 2024

SHARE THE TRUTH

 272,104 total views

Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Ezekiel 2, 2-5
Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

2 Corinto 12, 7-10
Marcos 6, 1-6

Fourteenth Sunday in Ordinary Timeย (Green)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 2, 2-5

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon, nilukuban ako ng Espiritu at itinayo ako upang pakinggan ang isang tinig na nagsasabi: โ€œTao, susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno, naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon. Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan. Kaya puntahan mo sila at sabihin mong ito ang ipinasasabi ng Panginoong Diyos. Sa makinig sila o sa hindi โ€” pagkat matigas nga ang kanilang ulo โ€” malalaman nilang may isang propeta sa gitna nila.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Ang aking pangmasid doon nakapukol,
sa luklukang trono mo, O Panginoon.
Tulad koโ€™y aliping ang inaasahan
ay ang amo niya para matulungan.

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Kaya walang humpay ang aming tiwala,
hanggang ikaw, Poon, sa amiโ€™y maawa.
Mahabag ka sana, kamiโ€™y kaawaan,
labis na ang hirap naming tinataglay.

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Kamiโ€™y hinahamak ng mga mayaman,
matagal na kaming laging inuuyam
ng mapang-aliping palaloโ€™t mayabang.

Mata namiโ€™y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 12, 7-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, para hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyos sa akin, akoโ€™y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing pamalo ni Satanas upang huwag akong magpalalo. Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito, ngunit ganito ang kanyang sagot, โ€œAng tulong koโ€™y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.โ€ Kayaโ€™t buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil kay Kristo, walang halaga sa akin kung ako maโ€™y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 4, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukhaโ€™y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, โ€œSaan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?โ€ At siyaโ€™y ayaw nilang kilanlin. Kayaโ€™t sinabi ni Hesus sa kanila, โ€œAng propetaโ€™y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.โ€ Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Malinaw na palatandaan ng pagmamahal ng Diyos sa Kanyang bayan ang mga propeta. Kailangan natin sila ngayon tulad noong una. Ipanalangin natin ang lahat ng tinatawag sa ganitong uri ng paglilingkod sa ating panahon:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!

Nawaโ€™y ang Simbahang Katolika ay maging tapat, maging walang takot o pag-aalinlangan sa kanyang tungkulin bilang propeta sa daigdig. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y ang mensahe ng mga propeta noong araw ay maiangkop sa ating kalagayan ngayon at mapagbunga ng pagbabalik-loob at kabutihan. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y lumago ang tunay na propesiya sa Simbahan at kilalanin ng kanyang mga pinuno at mga mananampalataya. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y ang mga nahirang sa paglilingkod bilang propeta ngayon ay di mangamba sa hamon
sa kanilang misyon o sa banta ng pagtatakwil. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y ang mga nahirang sa paglilingkod bilang propeta ay mamuhay nang alinsunod sa mensaheng kanilang ipinangangaral. Manalangin tayo!

Nawaโ€™y lahat ng tumatanggap ng Sakramento ng Pagpapahid ng Langis, kasama ng kanilang mga mahal sa buhay, ay makapagkamit ng kapangyarihan ng Panginoon at maging tanda nawa sila ng habag at pag-asa para sa lahat. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, padalhan Mo kami ng marami at karapat-dapat na mga propeta para malinaw naming makilala ang Iyong kalooban at tupdin itong tapat sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 53,813 total views

 53,813 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.ย  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More ยป

Walang nakahihigit sa batas

 128,427 total views

 128,427 total views Mga Kapanalig,ย tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More ยป

Objection!

 208,506 total views

 208,506 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.ย  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More ยป

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 251,645 total views

 251,645 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More ยป

BURNOUT

 249,530 total views

 249,530 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More ยป

Watch Live

RELATED TOPICS

๐’๐ญ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž

 315,684 total views

 315,684 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ— โ€ข ๐’๐ญ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ Saint Frances of

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐จ๐Ÿ ๐†๐จ๐

 315,712 total views

 315,712 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ– โ€ข ๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐จ๐Ÿ ๐†๐จ๐ ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‚๐จ๐ฅ๐ž๐ญ๐ญ๐ž

 315,690 total views

 315,690 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ” โ€ข ๐’๐ญ. ๐‚๐จ๐ฅ๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜ ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐š

 315,703 total views

 315,703 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ“ โ€ข ๐’๐ญ. ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐š ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜– ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต ๐˜–๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ข, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‚๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐ข๐ซ

 128,852 total views

 128,852 total views ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ’ โ€ข ๐’๐ญ. ๐‚๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐ข๐ซ ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜Š๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ณ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ด,

Read More ยป

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top