Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,979 total reads

Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15

Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya nang 215 kilometro kasama ang dalawang anak niya at isang manugang.

Marami daw silang mga kapwa peregrino na nakasabay sa camino. Ang bati daw nila sa isa’t isa ay BUEN CAMINO! Ibig sabihin, “Mabuting Paglalakad.” Iba’t ibang lugar ang kanilang pinagmulan pero lahat sila ay iisa ang destinasyon: ang Simbahan ng Santiago de Compostela sa rehiyon ng Galicia sa Espanya. Pwede daw pumili ng iba’t ibang ruta—may mahabang ruta na pwedeng abutin mula tatlo hanggang apat na linggo, may mas maikli, mula isa hanggang dalawang linggo. May mga rutang paliko-liko, may dumadaan sa mga bundok na may paakyat at pababa, mga papasok sa kagubatan, may bumabaybay sa may tabing ilog o sapa, may bumababa sa mga burol at mga liblib na kabayanan, mayroon ding mga rutang diretso sumusunod lang sa kalye at mga sementadong kalsada para sa nagmamadali. Pero lahat iisa lang naman ang patutunguhan—ang bayan ng Compostela (galing sa pangalang Latin na ang kahulugan ay kampo ng mga estrelya). Parang talinghaga sa biyahe ng tao patungong langit.

Nagwork-out daw muna si kuya nang halos tatlong buwan ng araw-araw na paglalakad dito sa atin sa Pilipinas para siguraduhing mabuo niya ang camino at makaabot sa Compostela na walang atrasan. Dumarating daw pala talaga ang sandali na medyo magsisimula nang masiraan ng loob ang peregrino, matutuksong umatras o mandaya at sumakay na lang ng bus o taxi. May sandaling mapapaisip ka daw—e para ke ba’t nagpapakapagod ako nang ganito sa paglalakad gayong aabot din naman ako sa Compostela kung sasakay ng eroplano o tren?

Pinlano pa nga raw ni kuya ang lahat ng pwede niyang gawin kung sakaling mainip siya sa paglalakad. May koleksyon na siya ng mga audio books at musika na pwede niyang pakinggan, may listahan ng iba’t ibang tema na pwede nilang pag-usapan habang daan, o mga alaala ng nakaraan na pwedeng balikan sa halos walong dekada na ng buhay na kanyang pinagdaanan. Pero nang naroon na siya, nasabi niya sa sarili—ba’t pa ako pumunta rito para mag-isip o gumawa ng mga bagay na pwede ko ring gawin sa ibang lugar at oras? Kung narito na ako, bakit hindi ko pa ibigay nang lubos ang sarili ko sa sandaling ito? Sa bawat minuto, oras at araw ng paglalakad? Na ituon ang kamalayan sa bawat hakbang, sa bawat liko, sa bawat lakad. Na ituon ang paningin sa bawat puno na madaanan sa bawat kagubatan, sa bawat bulaklak, sa bawat kapilyang madaanan. Na ituon ang pandinig sa huni ng mga ibon at insekto, sa mga baka at kabayo, ituon ang pandama pati na sa amoy ng lupa, at ang panlasa sa bawat uri ng pagkaing matikman nila habang daan. Pagmamalay at pagmumulat, pagbabad sa karanasan, pagbubukas ng bawat pandama—iyon daw ang naging susi para sa kanya, hindi lang para matiis o mabata ang paglalakad kundi para mapagyaman ang buong karanasan ng camino.

Parang ganito ang binago ni Hesus sa katuruan niya sa ebanghelyo tungkol sa kaharian ng langit. Na hindi kailangang maghintay ng kamatayan o kabilang buhay para maranasan ang langit. Kaya pala sa itinuro niyang panalangin, hindi niya sinabi—makaabot nawa kami sa langit o makapasok nawa kami sa iyong kaharian. Hindi. Ang sabi niya: mapasaamin ang kaharian mo. Na kung susundin natin ang loob niya, kung sasambahin ang ngalan niya, kung paghahariin natin siya sa buhay natin, kung ang salita niya ang ating kakanin sa araw-araw, kung matuto tayong humingi ng tawad at magpatawad, kung tayo’y magpapakatatag sa pagharap sa mga tukso at paglaban sa masama, ang langit na pinapangarap natin ay maaari nang magsimula dito sa lupa.

Tama ang sabi ng sumulat sa tula na pinamagatang Caminante. Sabi niya sa Kastila, “Caminante no hay camino, se hace camino al andar.” Manlalakbay, walang daan; ginagawa ang daan sa mismong paglalakbay.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 52,363 total reads

 52,363 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,765 total reads

 101,765 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,636 total reads

 149,636 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,584 total reads

 253,584 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 337,087 total reads

 337,087 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 5,881 total reads

 5,881 total reads Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly

Read More »

THE “HEART OF THE FILIPINO”?

 3,298 total reads

 3,298 total reads I used to prefer Philippine Airlines over other carriers because I associated PAL with convenience and comfort. But my experience today, October 20,

Read More »

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 19,743 total reads

 19,743 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 25,383 total reads

 25,383 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »
Scroll to Top