MAGPAS 2024, inilaan sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,459 total reads

Inilaan ng Archdiocese of Manila sa mga kabataan ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Agosto 2024.

Sa sirkular ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa mga kabataang Manileño bilang paghahanda sa nakatakdang Archdiocesan Youth Month sa Setyembre.

Nakatakda ang MAGPAS sa ika-3 ng Agosto 2024, ganap na alas-otso hanggang alas-unse y medya ng umaga sa Pope Pius XII Catholic Center Auditorium.

“In preparation for the Archdiocesan Youth Month in September, the MANILA ARCHDIOCESAN GENERAL PASTORAL ASSEMBLY for the month of August will be a special edition dedicated to our Young Manileños. I am pleased to invite your young leaders (maximum of two youth) to be part of this MAGPAS on 3 August 2024, from 8:00am to 11:30am at the Pope Pius XII Catholic Center Auditorium.” bahagi ng sirkular ni Cardinal Advincula.

Ayon kay Cardinal Advincula, tatalakayin sa MAGPAS 2024 ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga kabataan bilang katuwang ng Simbahan sa pagbabahagi ng misyon na maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon sa sangkatauhan.

Magsisilbing pangunahing tagapagsalita at panauhin sa MAGPAS 2024 si Sr. Nathalie Becquart, XMCJ -ang Undersecretary for the General Secretariat of the Synod of Bishops, na kilala rin sa kanyang pambihirang pangangalagang pastoral at bokasyon para sa mga kabataan.

“Joining us in this MAGPAS is Sr. Nathalie Becquart, XMCJ, Undersecretary for the General Secretariat of the Synod of Bishops. She is known for her exemplary commitment to the pastoral care of the young and promotion of vocations. This is a unique oppurtuniry to engage in meaningful dialogue and explore how we can collectively work in fostering the synodal dynamism and rediscover our ministry in the synodal light.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Umaasa ang Cardinal na maging daan ang MAGPAS upang ganap na makapagnilay at makapag-alay ng sama-samang panalangin ang mga mananampalataya para sa ikabubuti ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 14,332 total reads

 14,332 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 101,567 total reads

 101,567 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 148,307 total reads

 148,307 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 196,179 total reads

 196,179 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 299,615 total reads

 299,615 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top