Seminario de Jesus Nazareno, humiling ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,317 total views

Umapela ng tulong ang pamunuan ng Seminario De Jesus Nazareno sa Diyosesis ng Borongan sa muling pagtatayo at pagsasaayos ng seminary chapel at social hall ng minor seminary na nasunog noong Linggo, ika-28 ng Hulyo, 2024.

Ayon kay Seminary Rector-Principal Rev. Fr. Juderick Paul Calumpiano, ganap na ala-una ng hapon nagsimula ang sunog sa seminary chapel na umabot sa Bp. Reyes Hall, Office of the Rector-Principal, Senior High School classrooms, computer laboratory at dalawang stock room ng seminaryo.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) na nasa ligtas na kalagayan ang mga kabataang seminarista kung saan hindi naapektuhan at malayo sa naganap na sunog ang mga dormitoryo at iba pang opisina ng seminaryo.

Para sa mga nais na tumulong sa muling pagtatayo ng nasunog na bahagi ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) ay makipag-ugnayan lamang kina Seminary Rector-Principal Rev. Fr. Juderick Paul L. Calumpiano sa numero bilang 0916-485-8504 o kaya naman ay kay Seminary Oeconomus Rev. Fr. Miel Sedfrey Nebrida sa numero bilang 0917-551-5600.

Dahil sa naganap na sunog sa Seminary Chapel at Social Hall ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) ay ipinagpaliban ang pagsisimula ng klase kung saan itinakda ang simula ng Academic Formation sa Minor Seminary sa ika-12 ng Agosto, 2024.

Sa kasalukuyan may aabot sa 108 ang bilang ng mga Junior High School seminarians ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) na matatagpuan sa Barangay Campesao sa Borongan, Samar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 62,540 total views

 62,540 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 85,699 total views

 85,699 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 106,973 total views

 106,973 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 273,219 total views

 273,219 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top