Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 79,692 total reads

Mga Kapanalig, back-to-school na ulit ang mga estudyante.

Taun-taon, sinasalubong ng patung-patong na problema ang mga guro at estudyante sa mga pampublikong paaralan tuwing unang araw ng pasukán. Kasama sa mga ito ang kakulangan ng mga silid-aralan at gamit gaya ng mga libro. Normal na ngang makitang nagsiksikan ang mga estudyante sa kakaunting classrooms at naghahati sa paggamit ng mga libro.

Sa unang araw ng pasukán ngayong taon, pinalalâ ng Bagyong Carina at ng habagat ang mga problemang ito. Mahigit 800 na pampublikong paaralan sa iba’t ibang rehiyon ang hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase noong isang linggo. Mahigit 800,000 na estudyante ang hindi agad nakapasok sa kanilang paaralan. Ayon kay Department of Education Secretary Sonny Angara, halos 150 na paaralan ang patuloy na ginagamit bilang evacuation center hanggang noong nakaraang linggo. May mga paaralan ding kailangan pang linisin at ayusin bago pumasok ang mga estudyante.

Ipinagpaliban ng isang araw hanggang isang linggo ang mga klase dahil sa nagdaang kalamidad. Ibig sabihin, ngayong linggo, nakapagsimula nang pumasok dapat ang mga estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan. Kaso, kahit maaari nang pumasok ang mga estudyante, may mga nasirang gamit gaya ng mga upuan at librong nalubog sa baha. May mga magulang ding namomroblema sa bagong-bili na school supplies na hindi nila naisalba mula sa baha.

Kung inyong matatandaan, inaprubahan ni Pangulong BBM ang pagbabalik sa lumang school calendar na mula Hunyo hanggang Marso upang maiwasan ang pasukán tuwing mainit ang panahon. Nitong taon kasi, sunud-sunod na kinansela ang mga klase noong Abril at Mayo dahil sa matinding init na pinalalâ ng El Niño. Kaso nga lang, ang kalaban naman ngayon ay hindi matinding init kundi pinsala ng mga bagyo at bahang nagsisimula tuwing Hunyo.

Bagamat hindi lamang climate change at matinding init o sama ng panahon ang nakaaapekto sa learning loss o pagkaantala ng pagkatuto ng mga estudyante, importanteng bigyang-pansin ito ngayon pa lang. Gaya ng sabi sa Catholic social teaching na Laudato Si’, magkakabit ang mga problemang panlipunan at pangkalikasan. Kaya, sabi pa ni Pope Francis, ang pagtugon sa magkakabit na mga problemang ito ay nangangailangan ng integrated approach. Hindi pwedeng isa lang ang sinusolusyunan. 

Sa nangyayari ngayon sa sektor ng edukasyon, hindi lamang paglilipat ng school calendar ang makatutugon sa educational crisis. Ang climate change ay isang problemang inaasahan nating lalalâ pa at makaaapekto sa maraming aspeto ng ating buhay, maging ng ating kabataan. Kinakailangan ng pangmatagalang mga solusyon gaya ng pagtatayo ng mga paaralang may maayos na bentilasyon, mga kalsadang hindi binabaha, mga bahay na matibay at ligtas, at mga evacuation centers na hindi sa mga paaralan. Dapat din bigyang-pansin ang mga ugat ng paglalâ ng climate change katulad ng mga malalaki at gahamang korporasyon na ang mga negosyo ay sumisira sa kalikasan at nagpapainit sa ating planeta. Ang pinsalang dulot nila ay nakaaapekto sa mga pinakamahihinang sektor, gaya ng kabataang nakararanas ng malaking learning loss kapag nababawasan ang mga araw ng pagpasok sa paaralan

Mga Kapanalig, sabi sa Mga Kawikaan 16:16, “Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.” Tugunan sana ng gobyerno nang sabay ang educational crisis at climate crisis. Sa ganitong paraan, hindi maaantala ang pag-aaral ng ating mga anak.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,936 total reads

 32,936 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,583 total reads

 69,583 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,794 total reads

 87,794 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,122 total reads

 172,122 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,014 total reads

 208,014 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 32,938 total reads

 32,938 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,585 total reads

 69,585 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,796 total reads

 87,796 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,124 total reads

 172,124 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top