Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,784 total reads

Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58

Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay VIATICUM, mula sa tatlong salita: via – te- cum. Ibig sabihin: “Kasama mo (o baon mo) sa biyahe.” Sa Pilipino, PANTAWID. Malakas ang dating ng salitang ito, lalo na sa mga dukha. (4Ps)

Kapag mahaba ang biyahe, ang baon na pagkain sa kalsada ay tinatawag nating PANTAWID-GUTOM. Dalawang klaseng biyahe ang pagnilayan natin ang biyahe sa buhay sa mundong ibabaw, at ang biyahe patungong kabilang buhay, at ang baon na kailangan natin para sa pagtawid.

Ang biyahe natin sa mundong ibabaw ay nagsisimula na, mula pa sa paglilihi sa atin sa sinapupunan ng ating ina. Ito ang paalala ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Mag-ingat kayo sa paraan ng inyong pamumuhay. (At ang tinutukoy niya ay buhay dito sa mundo.) Kasi nga, ang buhay sa daigdig ay parang paglalakbay din. Pwedeng maligaw, pwedeng madisgrasya, pwedeng maantala o hindi humantong sa dapat paroonan. Kailangan natin ng tamang baon sa pagtawid. Kung kailangan natin ng pagkain at materyal na bagay para makaraos sa mga pangangailangan sa buhay, di hamak na mas kailangan ang ibang klaseng pagkain at inumin.

Sabi pa ni San Pablo, “Huwag kayong gumaya sa mga mangmang. “ Naaalala ko talinghaga tungkol sa sampung dalagang sumasalubong sa lalaking ikakasal—ang lima daw ay marunong at ang lima ay mangmang. Ang karunungan ang sinisimbolo ng baon na langis, para hindi mamatayan ng apoy ang kanilang mga lampara.

Sa ating first reading, hindi langis kundi pagkain ang ginagamit na simbolo sa inaalok daw ng Karunungan. Para daw siyang nag-aalok sa handaan, nag-aanyaya na kumain tayo sa pagkain at inuming inaalok niya. Ano ang dulot ng pagkaing ito? Tutulungan daw tayong “Talikdan ang kamangmangan at umunlad sa karunungan upang mabuhay.”

Sa second reading, may konting pahaging si San Pablo sa mga lasinggero—dalawang klaseng inumin na may espiritu ang tinutukoy niya: ang espiritu ng alak (na inihahambing niya sa kamangmangan) at ang Espiritu Santo na tinanggap natin sa binyag na nagbibigay sa atin ng karunungan.

Kaya pala sinabi ni Hesus sa kanyang Farewell Address sa gospel of John 16:13: “Pagdating ng Banal na Espiritu na siyang tagapagturo ng katotohanan, tutulungan niya kayo para maintindihan nʼyo ang lahat ng katotohanan. …at ipapahayag niya sa inyo ang tungkol sa mga bagay na darating.”

Ang Espiritu Santo daw ang ating pangunahing pabaon. Maraming beses na maglalakbay tayo sa dilim, pero ipapakita sa atin ng Espiritu ang patutunguhan natin. Maiiwasan natin ang mga lubak, mga batong katitisuran at mga bangin sa dinadaanan. Ang salita ng Diyos ang magiging liwanag na gagabay sa ating mga hakbang patungo sa buhay na makahulugan, buhay na ganap, buhay na may layunin.

Kaya pala sinasabi ni San Pablo sa mga taga-Galacia, kung baon natin sa paglalakbay sa mundo ang Espiritu, ang buhay natin ay nagiging mabunga, mga bungang pakikinabangan ng lahat ng kapwa-manlalakbay. At ang ibinubunga daw ng mga nabubuhay sa Espiritu ay ang sumusunod: “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan.”Gal 5:22

Pagnilayan naman natin ngayon ang biyahe patungo sa kabilang buhay. Sa ebanghelyo, sinasabi ni Hesus ang pabaon na kaloob niya sa atin bilang pantawid patungo sa buhay na walang hanggan ay “katawan at dugo” niya. Siyempre matalinghagang pangungusap ito, kaya hindi maintindihan ng ibang mga kausap niya. “Laman at dugo” simbolo ito ng sariling buhay. Ang ibinibigay na pabaon ng tunay na nagmamahal sa kanyang mga minamahal ay hindi lang pera, hindi pagkain, hindi lang materyal na bagay, kundi pagibig.

Tama pala iyung sinasabi ng kantang Paglisan: “Kung ang lahat ay may katapusan, itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan. At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko ay pagibig.” Di ba sinabi rin ng apostol San Juan: “Ang Diyos ay Pagibig.” Ang umiibig ay “handang mag-alay ng sariling buhay para sa minamahal”—ibig sabihin, sariling katawan at dugo.

Ito ang tinatawag ng sulat sa mga Hebreo na “haing karapat-dapat”. Hindi hayop, gulay o anumang susunuging handog. Hindi salapi sa kolekta, kundi sarili. Kaya kung ibig natin makibahagi sa pagkapari ni Kristo, kailangang matularan natin siya, matutong maghandog nang tama. Siya ang paring naghahandog, ngunit siya rin ang korderong inihahandog.

Si San Exequiel Moreno ay nakilakbay sa ating mga Pilipino sa loob ng dalawang dekada bago siya ginawang obispo at nadestino sa Costa Rica. Dinala niya bilang baon sa biyahe ang Kristong nakilala niya sa mga Pilipino, na ayon sa kanya ay pinaghugutan niya ng lakas ng loob at inspirasyon. Mabigat ang loob niya noong inutusan siyang umuwi muna sa Espanya para magpagaling dahil napamahal na sa kanya ang mga Pilipino. Para sa kanya, iisa lang ang baon na kailangan niya, saan man siya mapadpad—ang Eukaristiya. Wala siyang ibang hinangad na pagkain kundi ang katawan at dugo ni Kristo, at ang matulad sa tinatanggap o kinakain niya. Na siya na nakilakbay sa landas ni Kristo ay matuto ring magsabing, “Ito ang aking katawan. Ito ang aking dugo. Ito ang buhay ko na alay ko sa inyo.”

Mga kapatid, sa Eukaristiya tinatanggap natin si Kristo—di lang upang pumasok siya sa atin at maging bahagi siya ng buhay natin kundi upang baguhin niya tayo at gawing kabahagi ng kanyang buhay, ng katawan at dugo niya.

Sa gayong paraan, tayo mismo ay nagiging pabaon na pantawid sa mga makasama natin sa lakbayin hindi lang patungo sa ganap at makabuluhang buhay sa mundo, kundi patungo sa buhay na walang hanggan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,629 total reads

 42,629 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,730 total reads

 92,730 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,601 total reads

 140,601 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,550 total reads

 244,550 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,475 total reads

 328,475 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 4,910 total reads

 4,910 total reads Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly

Read More »

THE “HEART OF THE FILIPINO”?

 3,025 total reads

 3,025 total reads I used to prefer Philippine Airlines over other carriers because I associated PAL with convenience and comfort. But my experience today, October 20,

Read More »

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 19,589 total reads

 19,589 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 25,227 total reads

 25,227 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »
Scroll to Top