Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 135,077 total reads

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan.

Nakaka-alarma, kapanalig, ang dami ng mga kabataang nabubuntis ngayon sa ating bansa. Tumaas nga ng 35% ang dami ng mga teenagers may edad 15 pababa ang nabuntis mula 2021 hanggang 2022.

Kapanalig, ang sitwasyon na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pamilya. Napakahalaga ng tamang gabay mula sa pamilya. Kaya lamang, dahil sa maraming salik gaya ng kawalan ng oras at kahirapan, may mga kabataang hindi nakakatanggap ng sapat na malasakit o atensyon. Dahil dito, may mga kabataan na mas madaling mahulog sa mga relasyon kung saan may ilusyon ng pag-ibig at suporta. Dahil sa kanilang edad at kakulangan sa kaalaman at karanasan, nabubuntis sila kahit hindi pa handa.

Malawak at malalim ang epekto ng teenage pregnancy. Sa personal na aspeto, maraming mga kabataang babae ang napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kanilang kalagayan. Ang pagiging batang ina ay nagiging balakid sa kanilang mga pangarap at mga oportunidad sa hinaharap. Nagiging mahirap para sa kanila na makipagsabayan sa kanilang mga kapwa kabataan na patuloy na nakakapag-aral at nakakapagpundar ng magandang kinabukasan.

Hindi rin biro ang mga pisikal na epekto ng teenage pregnancy. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga kabataang babae ay mas mataas ang tsansang magkaroon ng mga komplikasyon sa pagbubuntis, tulad ng pre-eclampsia o maging ang preterm birth, na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kalusugan at sa sanggol.

Ang maagang pagbubuntis ay may negatibong epekto rin sa ekonomiya ng bansa. Kapag ang isang kabataang ina ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral, nababawasan ang kanyang pagkakataon na magkaroon ng maayos at mataas na sahod na trabaho. Ito ay nagiging hadlang hindi lamang sa kanyang personal na pag-unlad, kundi pati na rin sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa kabuuan, ang teenage pregnancy ay hindi lamang isang personal na suliranin, kundi isang pambansang isyu na nangangailangan ng malawakang tugon. Ang pagkilos ng maraming sektor—pamahalaan, paaralan, simbahan, at pamilya—ay mahalaga upang mabigyan ng mas maliwanag na kinabukasan ang mga kabataang Pilipino at maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis sa bansa. Mahirap gawin ito lalo pa’t nationwide ang problema. Kailangang paigtingin ang mga rural health units pati mga parokya at mga pamilya upang makatulong dito. Ayon nga sa Gaudium et Spes: The well-being of the individual person and of both human and Christian society is closely bound up with the healthy state of the community of marriage and the family.

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 37,409 total reads

 37,409 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 30,356 total reads

 30,356 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 65,698 total reads

 65,698 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 167,521 total reads

 167,521 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 208,080 total reads

 208,080 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 227,412 total reads

 227,412 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 30,357 total reads

 30,357 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 65,699 total reads

 65,699 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 167,522 total reads

 167,522 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 208,081 total reads

 208,081 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top