ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,599 total reads

Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene kits bilang mga kagyat na pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng sama ng panahon.

Pagbabahagi ng kongregasyon layunin din ng inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi lamang sa kagyat na pangangailangan ng mga mamamayan kundi maging sa muling pagbangon ng mga residenteng lubos na naapektuhan ng Bagyong Kristine sa lalawigan.

“As we witness the devastating impact of the Typhoon Kristine, our hearts go out to the countless families affected by this natural disaster. The Redemptorist Legazpi launches the ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response to provide immediate relief and long-term assistance to those in need. Your contributions can help supply essential resources such as food, clean water, medical care, and shelter for those who have lost everything.” Bahagi ng pahayag ng Redemptorist Legazpi.

Samantala, tiniyak din ng Redemptorist Legazpi Mission Community ang kahandaan nitong tumugon sa anumang anunsyo ng lokal na pamahalaan kaugnay sa patuloy na epekto ng Bagyong Kristine sa lalawigan kung saan kabilang ang Redemptorist Church sa mga nagbukas na Simbahan upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga pamilyang apektado ng sama ng panahon sa lugar.

Para sa mga nais tumulong sa pamamagitan ng in-kind donations, maaaring dalhin ang mga donasyon sa Redemptorist Church Lakandula Drive, Brgy. Gogon, Legazpi City, Albay o kaya naman ay makipag-ugnayan kay Fr. Ronald Balase sa numero bilang 0956-836-4051.
Ang Bagyong Kristine ay ang ika – 11 bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong taon na nagdulot ng malawang pagbaha sa Bicol region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 40,413 total reads

 40,413 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 125,865 total reads

 125,865 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 172,602 total reads

 172,602 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 220,474 total reads

 220,474 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 322,566 total reads

 322,566 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top