Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,151 total reads

Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate.

Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon na pamilyang Pilipino ang dumanas ng involuntary hunger. Tumaas ito sa hunger rate na 12.6-percent noong December 2023.Ibig sabihin ng involuntary hunger ay wala silang makain dahil walang pambili at walang access o walang mapagbilhan.

Nakakalungkot at nakakabahala ang katotohanang ito Kapanalig, 3.5-milyon ng pamilyang Pilipino ang nagugutom ngayong taong 2024… Pero ang nakakapanlumo ay pagbabahagi ni Agriculture secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na 3.6-bilyong piso na halaga ng bigas(rice) ang nasasayang o tinatapon lamang sa basurahan kada taon.

Tinukoy ng kalihim ang pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology Food and Nutrition Research Institute na siyam na gramo (nine grams) ng bigas ang sinasayang ng bawat Pilipino kada araw.

Kapanalig, nabatid sa pag-aaral ng DOST-FNRI na 255, 000 metric tons o tonelada ng bigas ang natatapon at nasasayang nating mga Pilipino kada taon. Sinabi ng D-A na ang kabuuang pangangailangan ng mahigit sa 100-milyong Pilipino kada araw ay 37,000 metric tons ng bigas.

Sinabi ng Department of Agriculture na 1.6-bilyong piso sana ang magiging savings kada taon kung magagawa ng pamahalaan na kalahati ng 255,000 metriko-tonelada ng bigas ang nasasayang.

Nangyayari ang pagsasayang o “left-overs” na ito sa mga restaurants, hotels, canteens at eateries sa buong bansa…Uso kasi at patok ang “Unli-rice” promo.. Kapanalig, lagi nating isa-isip na ang bawat butil ng bigas ay napakahalaga.

Upang matugunan ang problema ng “culture of waste” nating mga Pilipino, isinusulong ang “half-cup of rice bill” sa kongreso..Kapaloob sa panukalang batas ang kautusan sa mga restaurants, hotels, canteen at eateries na half-cup of rice lamang ang isi-serve sa bawat costumers..Sayang naman ang “unli-rice” promo.

Kapanalig, may sense ba ang proposal ng Department of Agriculture para matugunan ang laganap na kagutuman sa bansa? Iginiit naman ng AGAP Partylist na ang kakulangan ng supply ng bigas sa bansa ay resulta ng Executive Order (EO) 62 na binigyan ng go-signal ang mga negosyante na mag-import ng unlimited na dami ng bigas na naging daan din upang hindi makontrol ang rice smuggling.

Pinuna din ng grupo ng mga magsasaka at mangingisda ang palpak na Rice Tariffication law na dapat magbibigay ng assistance para maging competitive ang mga magsasaka ngunit pinapaboran nito ang importasyon ng agricultural products na pumipilay sa sektor ng agrikultura.

Sa general audience ni Pope Francis sa paggunita ng World Environment Day, pinuna ng Santo Papa ang nangyayaring “culture of waste”, inihayag nito na “The human person is in danger today, hence the urgent need for human ecology! And the peril is grave, because the cause of the problem is not superficial but deeply rooted. It is not merely a question of economics but of ethics and anthropology. Nevertheless men and women are sacrificed to the idols of profit and consumption: it is the “culture of waste”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 14,278 total reads

 14,278 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 95,688 total reads

 95,688 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 197,414 total reads

 197,414 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 234,202 total reads

 234,202 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 264,166 total reads

 264,166 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pahirapang dagdag-sahod

 14,281 total reads

 14,281 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 95,691 total reads

 95,691 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 197,417 total reads

 197,417 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 234,205 total reads

 234,205 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »
Scroll to Top