Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,344 total reads

Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36

Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi.

Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin.”

DI NA MAGLULUWAT. Sigurado ako na hindi na alam ng marami sa inyo, lalo na ng mga kabataan, ang ibig sabihin ng salitang ito: “magluwat”. Tingnan ko nga; pakitaas nga ang kamay ng mga nakakaalam ng meaning ng salitang ito?

Sa mas simple at modernong Tagalog, ang magluwat ay “magtagal.” Kaya alam ko, dahil Kapampangan din ang salitang ito. Pag naiinip na kami sa kahihintay sa Kapampangan sinasabi namin, “Ot kaluwat?” Kung gusto mong tanungin ang kamaganak mong umuwi para dito sa Pilipinas mamasko, pwede mong itanong “Magluwat ka keti Pilipinas?” Magtatagal ka ba dito sa ating bansa?
“Di na magluluwat”, ibig sabihin hindi na magtatagal, o sa loob ng kaunting panahon na lang. In short, malapit na. Kahapon ipinagdiwang natin ang Linggo ng Gaudete. Kaya ang dating madilim na kulay ube ay lumiwanag; naging kulay rosas na. Ibig sabihin—malapit na. (Tingnan mo tayo—hindi pa Pasko, nagsuot-puti na ang pari para sa simbang gabi at kumanta na tayo ng Gloria. Di talaga tayo makahintay.)

Ang nakapagtataka sa ating unang pagbasa ay ang kasunod na linya: “Mapalad ang taong gumagawa nito, ang anak ng taong ang tuntuni’y ito.”

Hindi pala sapat na maghintay lamang sa pagdating ng Panginoon, na parang basta lang ito mahuhulog mula sa langit. Magiging malapit na ang pagdating niya kung gagawin natin “ang dapat gawin”. Kaya ang kasunod na tanong natin ay: ano ba ang dapat gawin upang mapabilis ang pagdating ng Diyos?” Di ba ito rin ang tanong kahapon sa ebanghelyo ng mga nagpapabinyag kay Juan at sumasama sa kanyang: ano ba ang dapat gawin?”

Narinig natin ang sagot ni Juan: na kung ibig natin mas mapabilis ang pagdating ng Panginoon, “pag-aralan daw natin na magbahagi ng kahit anong konting meron tayo sa mga wala: damit o pagkain, basta matamis o bukal sa kalooban. Na kusang umiwas daw sa masamang gawain tulad ng pangingikil at pangungurakot, pagpaparatang sa kapwa ng hindi totoo…” Hinihiram ni Juan Bautista ang mensaheng ito kay propeta Isaias. Sa Isaias 58:6-8, sinabi ng propeta

“Kung titigilan ninyo ang paggawa ng masama, kung paiiralin ninyo ang katarungan, kung palalayain ninyo ang mga inaalipin at tutulungan ang mga inaapi. Kung babahaginan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom, kung patutuluyin ninyo ang mga dayuhan…” ano ang mangyayari ?

“Kapag ginawa nʼyo ang mga ito, darating sa inyo ang kaligtasan na katulad ng bukang-liwayway, at pagagalingin ko kayo agad. Ako na inyong Dios na matuwid ang mangunguna sa inyo at ipagtatanggol ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan.”

May dagdag pa ang propeta:

Kung matutunan daw nating ituring bilang kapatid, hindi lang ang kadugo, kapamilya, kababayan, kaalyado o karelihiyon, tayo mismo ay magiging hindi na iba sa Diyos, dahil tayong lahat ay anak niya.

Hindi ba itinuro ni Hesus sa alagad niya na “maging maawain mung paano ang kanyang amaay maawain?” Kung tunay palang nalalapittayo saDiyos o dumarating siya sa buhay natin, ang pinakamalinaw na tabda ay: Wala tayong itataboy o ie-etsapwera. Sabi nga ng propeta: “Ang bahay ng Diyos ay dapat maging tahanan ng panalangin para sa lahat.” Todos, todos, todos, wika nga ni Pope Francis.

Kaya madalas nyo ring marinig sa akin na ang Misa ay hindi isang eksklusibong samahan ng mga matuwid at karapatdapat. Ang simbahan ay bukas para sa lahat: sa binata, dalaga, single parents, sa kasal, hiwalay, o diborsyado, nakasapatos, o nakatsinelas, o kahit walang tsinelas, babae, lalaki, bakla, tomboy, may pinag-aralan o wala, mabait o pasaway, may pinag-aralan o wala, bata, matanda.

Ito ang binago ni Kristo sa kinagisnan niyang pananampalatayang

Hudyo. Bago pumasok si Hesus sa kasaysayan, ang sinumang hindi kamag-anak ni Abraham ay tinatawag na Hentil, ibig sabihin hindi daw kasali sa bayang Israel. Hindi daw pag-aaksayshqn ng panahon ng Doyos para iligtas. Ang misyon ni Hesus ay magtayo, hindi ng mga bakod sa pagitan ng mga tao kundi ng mga tulay na mag-uugnay, kung paanong sa kanyang iisang persona, pinagsama ang pagkadiyos at pagkatao. Kaya sabi ni San Pablo sa mga Taga-Galacia 3:28: “’Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,428 total reads

 28,428 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,383 total reads

 65,383 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,594 total reads

 83,594 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,922 total reads

 167,922 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,000 total reads

 204,000 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BASBAS NI NANAY

 7,917 total reads

 7,917 total reads Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo

Read More »

THE “SON OF MAN”

 12,916 total reads

 12,916 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 9,701 total reads

 9,701 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 21,650 total reads

 21,650 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »
Scroll to Top