Earthquake survivors sa Surigao, walang maayos na evacuation centers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total views

Walang maayos na evacuation centers ang mga residenteng nasiraan ng tahanan matapos ang 6.7-magnitude na lindol sa Surigao City, Surigao del Norte.

Ayon kay Ms. Shierly Seguis – Social Action Center Coordinator ng Diocese of Surigao, nakikitira lamang sa mga kapitbahay at iba pang mga kamag-anak na hindi lubos na naapektuhan ng lindol ang mga residenteng nawalan ng tahanan.

“Sa ngayon po wala pa pong evacuation, nakikitira lang po sa mga kapitbahay na may magandang kalooban. Wala naman po silang evacuation center. Hindi po namin alam kung may assistance na ibinigay ang gobyerno kasi hindi pa talaga kami nakakilos..” pahayag ni Seguis sa Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ni Seguis, matapos ang isinagawang assesstment sa mga apektadong barangay ay magsasagawa na ng intervention ang diyosesis para tulungan ang mga apektadong mamamayan.

Inamin ni Seguis na nahirapan silang magsagawa ng intervention dahil sa nananatiling hindi tiyak na sitwasyon sa lalawigan dulot ng patuloy na mga aftershocks.

“Pag-uusapan po ngayon ang intervention sa pagtitipon ng mga clergy. Ang aming director ay na-trap sa Dinagat island”.pahayag ni Seguis.

Sa kabila ng pinsala ng lindol at panganib ng aftershocks, inihayag ni Seguis na patuloy pa rin ang mga misa at mga gawaing Simbahan sa lalawigan kung saan una ng nagpaabot ng panalangin si Diocese of Surigao Bishop Antonito Cabahog para sa katatagan at patuloy na pananampalataya ng mga mamamayan.

Nabatid na naibalik na ang kuryente sa may 195-barangay habang wala pa ring kuryente sa 16 na mga barangay ng lungsod.

Bukod dito, problema pa rin ng mga residente ang pagkukunan ng inuming tubig matapos na masira at maapektuhan ang water supply sa malaking bahagi ng lalawigan.

Batay sa tala, nasa 1,035-pamilya ang apektado ng naganap na 6.7-magnitude na lindol kung saan una ng nagpalabas ng 2-bilyong piso ang pamahalaan para sa relief operation sa lalawigan.

Nauna rito, ipinagdarasal ng mga lider ng simbahan ang pagdadamayan at pagtutulungan para sa katatagan at pagbangon ng mga apektado ng lindol.

read:http://www.veritas846.ph/obispo-ng-surigao-nagpaabot-ng-panalangin-sa-mga-biktima-ng-lindol/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 12,722 total views

 12,722 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 35,874 total views

 35,874 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 105,988 total views

 105,988 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 180,600 total views

 180,600 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 259,816 total views

 259,816 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 143,889 total views

 143,889 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 309,462 total views

 309,462 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top